6 Mayo 2025 - 13:38
Nag-panggap ang Israeli Minister: Ang mga Anti-Government Protesters sa kanyang bansa ay Tumatanggap ng Pera mula sa Iran!?

Kasunod ng pagdami ng mga demonstrasyon laban sa gobyerno sa sinasakop na mga teritoryo, sinabi ng isa sa mga ministro ng Israel, na ang mga protestang ito ay pinansiyal na sinusuportahan ng Iran. Ang mga pahayag na ito ay ginawa sa panahon ng kawalang-kasiyahan sa mga patakaran ni Benjamin Netanyahu at ang mga resulta ng digmaan laban sa Gaza ay tumaas nang husto.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :-  Habang tumindi ang mga demonstrasyon laban sa gobyerno sa loob ng mga sinasakop na teritoryo, sinabi ng isa sa mga ministro ng Israel: "Ang mga demonstrasyon sa loob ng Israel ay pinondohan daw ito ng Iran." "Tumatanggap sila ng pera mula sa Iran?."

Bago pa man magsimula ang digmaan laban sa Gaza, ang mga Israeli mananakop ay patuloy na nagpapakita laban sa mga pagsisikap ng Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu, para pahinain ang "panuntunan ng batas" sa mga sinasakop na teritoryo sa kanyang kontrobersyal na plano na repormahin ang hudikatura ng Israel.

Ngunit sa pagsisimula ng digmaan sa Gaza at sa pagtaas ng kabiguan ni Netanyahu na makamit ang kanyang mga layunin sa madugong digmaang ito, ang mga layunin tulad ng "pagpalaya sa mga bilanggo" o "pagsira sa Hamas," ang mga demonstrasyong ito ay tumindi.

Gayunpaman, ayon sa isang ulat ng publikasyong Israeli-Palestina, na The Times of Israel, si David Amsalem, ang Ministro ng Israeli ng Kooperasyong Pangrehiyon, isang miyembro ng Likud Party (partido ni Netanyahu), ay inakusahan ang mga nagpoprotesta laban sa gobyerno na tumanggap daw ito ng tulong pinansyal mula sa Iran sa kanyang talumpati sa parliamento ng rehimen.

Sinabi niya: "Lubos akong kumbinsido, na ang malaking pera mula sa Iran ay kasangkot sa buong pagpopondo ng lahat ng mga protesta na inyong inorganisa sa Estado ng Israel sa nakalipas na dalawa at kalahating taon."

Inangkin ni Amsalem, na ang kanyang mga akusasyon laban sa Iran ay lohikal, na inuulit ang pag-aangkin na ang mga tao sa sinasakop na mga teritoryo ay inaresto sa mga singil ng "pagpakalat ng mga anti-gobyernong slogan ng Iran."

Ang pag-aangkin na ito ay dumating sa kabila ng katotohanan na, bilang karagdagan sa mga protesta laban sa gobyerno, iniulat ng pahayagan ng Yisrael Hayom, na ang mga nagprotesta ng Haredi sa Jerusalem ay nagpakita laban sa serbisyo militar at hinarangan ang paggalaw ng subway.

…………..

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha