16 Hunyo 2020 - 11:15
Ang Pagtuturo ng Qur’an na Mayroon Pagsasalin ay Maging Sapilitan sa Punjab Pakistan

Ginawa ng pamahalaang Punjab sa Pakistan ang pagtuturo ng Banal na Qur’an na mayroon na pagsasalin ay sapilitan para sa lahat ng mga mag-aaral sa unibersidad.

Ayon sa ABNA News Agency, Alinsunod sa Punjab na Gobernador na Kalihim ng Pangangasiwaan ng pagbibigay-alam, ang mag-aaral ay hindi bibigyan ng titulo o digri kung hindi niya pinag-aralan ang Banal na Qur’an na may pagsasalin.

"Ang mga tagapagpanayam sa lahat ng mga unibersidad ng Punjab ay magturo sa Banal na Qur’an na may pagsasalin sa lahat ng mga mag-aaral," sinabi ng pagbibigay-alam. Ang Banal na Aklat ay ituturo nang hiwalay mula sa paksâ ng Islamiat (Islamikong mga katuruan), na kung saan itinuro na sa lahat ng mga unibersidad.

Sinabi ni Gobernador Chaudhry Sarwar na ang tagumpay sa mundo at sa hinaharap ay makakamit lamang sa pamamagitan ng wastong pagpapatupad ng mga alituntunin ng Banal na Qur’an.

Nakikipag-usap siya sa isang pakikipanayam ng mga peryodista matapos ang pagpupulong kasama ang mga bise-chancellor ng mga unibersidad sa Bahay ng Gobernador. Noong Linggo, ang gobernador ay nag-tweet: "ang makasaysayang kapasiyahan na ituro ang Qur’an gamit ang Urdu na pagsasalin ay ipinapatupad. Ito ay isang sapilitang paksâ sa mga unibersidad ng Punjab na kung saan kung wala iyon ang isang titulo o digri ay hindi iginawad.”

 Ang mga magtapos ay hindi makakuha ng digri kung hindi makakakumpleto ng kurso sa Qur’an

Tinukoy niya ang Qur’an na isang kumpletong katipunan ng mga batas sa buhay na kung saan ang mas mahusay na pag-uunawa ay makakatulong sa mga tao na makuha ang kagandahang-loob sa Diyos, iniulat ng pahayagan ng Bukang-Liwayway (Dawn newspaper).

Hiniling ni Sarwar sa lahat ng mga unibersidad na gawin ang pagtuturo ng Qur’an bilang isang bahagi ng kanilang mga silabus at pinaalahanan sila sa tungkulin na ipamahagi ang kaalaman sa Qur’an sa nakababatang salinlahi.

Sinabi niya na ang mga pagbabago ay gagawin sa Saligang-batas para sa pagsasagawa ng pagtuturo ng Banal na Qur’an na pagsasalin na kinakailangan para sa lahat ng mga mag-aaral.

Mas maaga, ang gobernador ng Punjab ay nabuo ng pitong-miyembro ng komite ng mga VC (Vice Chancellor), na pinamumunuan ng Unibersidad ng Punjab na si VC Prof Niaz Ahmed, noong Abril nagsumite ng mga pagtatagubilin kung paano gawin ang pagtuturo ng Banal na Qur’an na may pagsasalin na sapilitan sa lahat ng mga unibersidad sa lalawigan.

Ayon sa pagbibigay-alam na komite, "ang kurso ng Qur’an ay maaaring may katumbas sa isang kredit na oras sa bawat taon (Teorya/Praktikal) bilang may-kaugnayan nababagay sa unibersidad.

Gayunpaman, dapat na ang limitasyong HEC ng kabuuang mga oras na kredit sa mag-aaral na hindi pa magtapos na programa ay kailangan na sundin. "

Patuloy na sinasabi na "ang pagtatasa ng kursong Qur’an ay dapat mangailangan ng bawat kandidato na pumasa / mabigo. Ang mag-aaral ay maaaring italaga ang grado katulad ng anumang iba kredit na paksâ, kung nararamdaman ng Unibersidad na kinakailangan o naaangkop."

Bilang isang kapalit, ang mga mag-aaral na hindi-Muslim ay maaaring bigyan sa paksâ ng Etika.

342/