Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Ang pinuno ng partido ng Socialist Kurdistan Democratic Party, sa rehiyon ng Kurdistan ng Iraq, si Mohammed Haji Mahmoud, ay nagsabi na si martir Lt. Gen. Hajj Qassem Soleimani ay nagsabi na siya ay matatagpuan sa bawat lugar ay nangangailangan ng kanyang presensya at kung hindi mula sa tulong ni Hajj Qassem, ang Damascus at Baghdad ay noon pa bumagsak na sa kamay ng mga Daesh, na kung saan binibigyang-diin pa ni Shaheed Hajj Qassem Soleimani ang pagligtas sa mga sangkatuhan sa mundo mula sa kasamaan ng mga ISIS.
At sinabi pa ni Muhammad Hajji Mahmoud sa pagdiriwang ng "Gabi ng mga Alaala kay Shaheed Lt. Gen. Qassem Solaimani" noong Lunes ng gabi sa Sanandaj, pinag-uusapan nila mula noon hanggang ngayon ang tungkol sa mga alaala na naiwan ng isang matapang na tao mula sa Iran, isang dakilang tao na nagtatanggol sa lahat ng kanyang mga sariling kapwang-tao at maging sa lahat pa ng inaaping mga tao, ngunit sa kagandahang-palad siya ay nahulog bilang isang martir sa ibang lugar (hindi sa kanyang sariling bansa) at dahil dito, dito nagpapakita sa isang dakilang aral ng pagkalalaki at kadakilaang pagkakatao para sa lahat.
Idinagdag pa ni Iraqi Kurdish politiko, na mayroon akong relasyon kay dating Shaheed Commander Soleimani noon, hanggang sa umaabot pa nang higit sa loob ng 30 taon, at nakita ko siya sa unang pagkakataon noon, sa rehiyon ng "Howiza" noong panahon sa kasagsagan ng digmaan na ipinataw ni Saddam laban sa Iran (libingan ni rehimeng Saddam mula 1980-1988).
At ang pinuno ng Kurdistan Socialist Democratic Party sa rehiyon ng Kurdistan ng Iraq ay nagpatuloy, matapos ang pagka-martir ni Hajj Qassem Soleimani ay pumasok sa Quds Force, ang kanyang relasyon sa amin at sa aming mga tao sa rehiyon ng Kurdistan hanggang sa nagpatuloy siya, at nagkaroon siya ng matalik na relasyon kay Mam Jalal Talabani at kay Kaka Masoud Barzani sa labas ng balangkas ng diplomasya, ngunit sa batayan ng kanyang pagmamahal sa mga tao ng Kurdistan, hanggang halus natitira sa aming aming mga ala-ala ang kanyang mga taos-pusong kabutihan niyang ginawa.
Idinagdag pa niya, ang mga ugnayang ito ay ginawa lahat ni Shaheed Hajj Qassem, na ito ay isang napaka-tanyag na pigura sa aming mga komunidad sa Kurdistan, sa kabila pa ng katotohanan ni Shaheed Gen. Haj Qassem ay palagi siyang nagbibigay ng mga mahuhusay na serbisyo sa Rehiyon ng Kurdistan at sa lahat ng mga malalayang lugar mula sa pananakop at karahasan ng mga ISIS noon at ito ay mula sa kaligtas ng mga tao sa mundo, lahat ang mga ito galing sa kanyang kahusayan at katapanangan na ibinigay niya buong mamamayan.
Sinabi pa ng pinuno ng Kurdistan Socialist Democratic Party sa Iraqi Kurdistan, pinamahalaan pa lahat ni Shaheed Hajj Qassem noon ang mga digmaan laban sa mga ISIS at nagbibigay pa siya ng mga tulong sa mga mamamayan ng Lebanon, Syria, Yemen, Iraq at Afghanistan, at walang ibang makapagbibigay ng lahat ng mga kontribusyon na ito kundi si Shaheed Hajj Qassem lamang.
Ipinaliwanag pa niya, nang salakayin ng ISIS ang Mosul at Tikrit, nakuha nito ang 90,000 sundalong Iraqi sa loob ng 24 na oras, ngunit pagdating niya (Shaheed Hajj Qassem) malapit sa Makhmour at Erbil, tinawagan ni Kaka Masoud Barzani si Commander Hajj Qassem Soleimani, na sumakay naman siya sa unang eroplano patungong Erbil airport at sa loob lamang ng ilan maikling panahon, kung saan pinatalsik niya ang mga grupong ISIS sa lugar ng isang nakaplastal lahat ang kkanilang mga posisyon Kabilang na sa mga ito ang ilan pang mga patay at nasugatan.
Idinagdag pa ng pinuno ng Kurdistan Socialist Democratic Party sa Iraqi Kurdistan, na ang suporta ni Shaheed Hajj Qassem at ang kanyang pagdating sa rehiyon ng Kurdistan ng Iraq ay naganap kaagad ang kanyang aksyon pagkatapos lamang naming nakikipag-ugnayan sa kaniya at sa ibang mga bansang nauna sa kanya, ngunit ang tanging pwersa na nagbigay ng buhay at patay na tulong ay mula sa rehiyon ng Kurdistan, ay ang mga puwersa ng Iran mula sa pamunuan ni Hajj Qassem lahat.
Inilarawan pa ni Muhammad Hajji Mahmoud, ang Shaheed na si Commander Hajj Qassem Soleimani bilang isang malaya at matapang na tao na may tiwala sa kanyang sarili at sa anumang karamihang paglahok, ang pulutong na iyon ay hindi ko pa nakikita mula noon hanggang ngayon sa kanyang tunay na katapangan na mayroon sa iba.
Ang pinuno ng Iraqi Kurdistan Socialist Democratic Party ay nagsalita tungkol sa mga alaala ni Lt. Gen. Shaheed Hajj Qassem Solaimani kasama na dito ang martir na pinunong Soleimani, na nagsasabing, "Sa digmaang iyon sa ISIS noong 2016, nagkaroon kami ng appointment kay Hajj Qassem mula sa isa sa mga lugar, at nagpunta ako doon sa lugar na iyon, nagkakataon naman doon nang dumating si Hajj Qassem, kung saan sa panahon din na dumating ako salugar na iyon, nang naglaon na aming mga usapan doon, hanggat sa may mga kakayahan at kagamitan na dumating galing Iran." Nagkaroon din kami uli ng isa pang pagpupulong at gumagawa siya ng mga plano sa mga pagpupulong sa paraang iyon at iyon din ay nagiging ganap sa matagumpay na mga resulta."
Sinabi pa ni Muhammad Hajji Mahmoud, na sa lahat ng mga malalayang tao sa mundo ay umaasa sila lahat mula kay Commander Hajj Qassem Soleimani, dahil siya ay isang tagasuporta ng lahat ng inaapi at tagapagtaguyod ng kalayaan sa mundo, hindi lamang sa Kurdistan o kaya sa Iraq? Bagkus ito ang bunga ng kanyang pagkamartir ay ang kanyang pag-aalala kung paano niya iligtas ang lahat ng mga inaapi mula sa mga ISIS, kaya ibinigay niya lahat ng kanyang importanteng tunay na buhay para sa kanilang lahat.
Ipinaliwanag pa ng Iraqi Kurdish ng politiko na ang pagkamartir ni Hajj Qassem ay higit pang pinagsama ang ugnayan sa pagitan ng Iraqi at Iranian forces at ng mga puwersa ng iba pang mga bansa sa rehiyon, at ang kanyang mga serbisyo sa mga mamamayang Iranian, ang rehiyon ng Kurdistan at ang iba pang mga bansa pagkatapos ng kanyang pagkamartir ay mas dakila kaysa sa panahon ng kanyang buhay.
Sinabi pa ni Muhammad Hajji Mahmoud, ang Iran ay isang malaking bansa at maraming mga bayani ang lumitaw dito sa panahon ng ipinataw na digmaan, ngunit si Hajj Qassem ay iba at walang pakialam sa mga hangganang lupain (sa kanyang trabaho) upang ang ilang mga hangganan ay inilipat nang malayo sa kanilang lugar..
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ipinaliwanag pa ng pinuno ng Iraqi Kurdistan Socialist Democratic Party, na ang martir na si Qassem Soleimani, ay parati siya naroroon sa bawat lugar na nangangailangan ng kanyang presensya at kung hindi dahil kay Hajj Qassem, ang Damascus at Baghdad ay nahulog na sana sa mga kamay ng mga ISIS, at si Hajj Qassem ay palagi rin dumalo at nakikipaglaban noon sa bawat lugar kung saan naroroon mismo ang mga ISIS hanggang sa nailigtas niya ang lahat ng mga tao sa mundo mula sa kanilang kasamaan.
.........................................
328
Lider ng partido ng Iraqi Kurdish: Iniligtas ni martir Lt. Gen. HajjQassem Soleimani ang mga mamamayan sa mundo mula sa kasamaan at karahasan ng mga ISIS
15 Disyembre 2021 - 07:13
News ID: 1208709

Lider ng partido ng Iraqi Kurdish: Iniligtas ni martir Lt. Gen. HajjQassem Soleimani ang mga mamamayan sa mundo mula sa kasamaan at karahasan ng mga ISIS. Sinabi ng Iraqi politikong Kurdish, "Mayroon akong relasyon kay dating Commander Shaheed Soleimani noon na umaabot nang higit sa loob ng 30 taon, at nakita ko siya sa unang pagkakataon sa rehiyon ng Howeyzeh noong panahon ng digmaan na ipinataw sa Iran...