7 Pebrero 2022 - 04:52
Ang digmaan sa Yemen ay isang makataong sakuna, at ang mga taong Yemeni ay may karapatang tumugon sa mga brutal na krimeng ito.

Ang digmaan sa Yemen ay isang makataong sakuna, at ang mga taong Yemeni ay may karapatang tumugon sa mga brutal na krimeng ito. Sinabi ni Sheikh Zakzaky: "Ang digmaan sa Yemen ay isang makataong sakuna, kaya dapat binibigyang diin ang karapatan ng mga taong Yemen para tumugon sa mga brutal na krimeng ito."




Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) ABNA News Agency: Ang pinuno ng Islamic Movement sa Nigeria, si Sheikh Ibrahim al-Zakzaky ang nagsabi: "Walang saysay ang pandaigdigang katahimikan tungkol sa kalamidad sa Yemen, kung saan ang mga tao sa Yemen ay pinagkaitan ng kuryente, gasolina, gas at kagamitang medikal."

Sa isang video conference na ginanap upang talakayin ang mga sukat ng agresyon laban sa mga mamamayang Yemen, idinagdag pa ni Sheikh Zakzaky, na ang nangyayari ngayon sa Yemen ay isang agresyon at isang krimen sa digmaan laban sa sangkatauhan, pagkondena sa mga pagsalakay sa pang-himpapawid at pag-target sa mga sibilyan sa kanilang mga tahanan, sa kanilang mga lugar ng pinag-trabahouhan at sa mga paaral, maging ang mga bus, kulungan at ospital, at ang pagpatay sa mga pasyente, mga nars at mga doktors.

Binigyang-diin din ni Sheikh Zakzaky, na ang bansang UAE at Saudi Arabia ay kumakatawan sa Amerika, Britain, France at iba pang mga bansa sa Kanluran, at nais nilang ibalik ang isang napatalsik na pangulo sa bansa sa pamamagitan ng pagpatay sa mga mamamayan ng Yemen.

Kinondena din ni Sheikh Zakzaky ang "bagong pagsasabwatan" na ito, na naglalayong pangalagaan ang seguridad ng mga Zionistang entidad.

Itinuring niya ang digmaan sa Yemen bilang isang humanitarian disaster, na idiniin ang karapatan ng mga Yemeni, na tumugon sa mga brutal na krimeng ito.

........................................
328