Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Lunes

24 Hulyo 2023

4:16:24 PM
1381969

Dumating sa Karachi si Kalihim Heneral ng Pandaigdigang Asembleya ng Ahl al-Bayt (AS)

Dumating sa Karachi si Kalihim Heneral ng Pandaigdigang Asembleya ng Ahl al-Bayt (AS)

Isang mataas na ranggo at delegasyon dumating sa Karachi mula sa Iran

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlul-Bayt (AS) - Balitang ABNA - Isang delegasyon na may mataas na ranggo mula sa Iran, na pinamumunuan ng Kalihim Heneral ng Pandaigdigang Asembleya ng Ahl al-Bayt (AS), si H.I. Hojat-ol-Islam Ayatollah Reza Ramezani, ang dumating sa Karachi ngayong araw.

Ang mga nasabing delegado, na sinamahan ni Sentrong Kalihim Heneral Allama Shabbir Hasan Maythami, ay bumisita sa Mazar-e-Quaid, na kilala bilang Jinnah Mausoleum o National Mausoleum, at kung saan din sila ay nagbigay pugay kay Muhammad Ali Jinnah, ang tagapagtatag ng Pakistan. 

Pinoprotektahan din ng Pakistani Navy ang delegasyon ng Iran, at binisita din ng mga nabanggit na bisita ang iba't ibang bahagi ng Mazar-e-Quaid, kabilang na dito ang mga bagay na ipinakita sa Bahay ng Quaid-e-A'zam, na kilala bilang Flagstaff House, na isang museo ng bahay na nakatuon sa personal na buhay ni yumaong Muhammad Ali Jinnah, na matatagpuan sa Karachi, Sindh, sa Pakistan. 

Nang maglaon, pinasalamatan din ng delegasyon ng Kalihim Heneral ng Pandaigdigang Asembleya ng Ahlul-Bayt (AS) ang administrasyong Pakistani sa isang maikling pagkakataon sa nasabing pagbisita sa bansa ng Kalihim-Heneral ng ABWA.

.................

328