Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Linggo

13 Agosto 2023

7:44:33 PM
1386846

Bagong paglusob ng teroista sa dambana ni Sha Cheragh sa Shiraz + 2 martir

Bagong paglusob ng teroista sa dambana ni Sha Cheragh sa Shiraz + 2 martir

Ang dambana ni Shah Cheragh, sa Shiraz ay target na naman ng panibagong pag-atake sa kasalukuyan habang noong Oktubre naman, nang pagbabarilin at pumatay ng 15 katao ang mga armadong mula sa grupong Islamikang Estado (ISIS).

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt (AS) - Balitang ABNA - Ngayong gabi lamang, may isang bagong pag-atake na naman ng terorista ang naganap sa dambana ni Shah Cheragh, sa Shiraz, Iran.

Ayon sa lokal na media, iniulat na dalawang tagapaglingkod ng dambana na ito ang dalawang namartir hanggang sa ngayon. Habang sinusubukan ng mga terorista na pumasok sa dambana mula sa Bab al-Mahdi, (sumakanya nawa ang kapayapaan).

Ilang buwan lamang ang nakalilipas, may isa na namang teroristang operasyon sa dambana mismo ni Shah Cheragh ang naging sanhi ng pagkamartir ng 13 sa mga Iraniang kababayan.

Sa operasyon ng terorista ngayon sa Shah Cheragh, Shiraz, sinubukan ng dalawang terorista na pumasok sa dambana mula sa Bab al-Mahdi (as).

Ang mga teroristang ito ay patuloy na bumabaril sa mga tao sa mismo sa nasabing pasukan. Habang ang isang terorista ay naaresto at ang isa naman ito ay kasalukuyang tumatakbo at patuloy ito hinahabolat hinahanap ng mga pwersang pangseguridad.

Sa kasalukuyan, ang mga pinto ng dambana ay sarado, at ang paligid ng dambana ay nasa ilalim ng kontrol ng mga pwersang panseguridad upang mahanap ang tumatakas na terorista.

................

328