2 Marso 2019 - 07:38
Bakbakan sa Oriental Mindoro 1 Rebelde ang Nasawi

Isang kasapi ng New People’s Army ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Barangay Waygan sa Mansalay, Oriental Mindoro, Sabado ng madaling araw.


Isang kasapi ng New People’s Army ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa Barangay Waygan sa Mansalay, Oriental Mindoro, Sabado ng madaling araw.

Naiulat ng Balitang Ahensya ng Ahlul-bayt (ABNA24)- Ayon sa report ni Mimaropa Police spokesperson Lt. Col. Soc Faltado, nakabakbakan ng 403rd Regional Mobile Force Battalion at Charlie Company ng Philippine Army ang di pa matiyak na bilang ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Sa naturang engkuwentro, isang rebelde ang nasawi.

Patuloy pa ang clearing operations sa lugar.

Huwebes ng gabi nang malagasan naman ng kasapi ang pulisya sa engkuwentro sa Sitio Layang Layang sa Barangay Malamig, bayan ng Gloria sa naturang probinsiya.

Nakasagupa umano ng 2nd Provincial Mobile Force Company ang mga rebelde at umabot ng 30 minuto ang bakbakan, kung saan namatay si Police Staff Sergeant Edwin Encarnacion.

Noong Lunes lang, 30 mga rebelde ang umatake sa ginagawang hydro power plant at sinunog ang mga heavy equipment sa Barangay Malvar sa bayan ng Naujan.

Sabado ng nakaraang linggo naman nang mapatay ang dalawang pulis sa engkuwentro sa Purok Catmon, Barangay Mapaya, sa bayan San Jose sa Occidental Mindoro.




.......
/328