Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang tagapagsalita ng United Nations Secretary General ay nagpahayag ng kalungkutan sa mga nasawi dulot ng pagsabog noong Sabado sa Shaheed Rajaee port, sa Bandar Abbas, sa Katimugang bahagi ng Iran.
"Kami ay nalulungkot na malaman ang tungkol sa malaking bilang ng mga nasawi na dulot sa pagsabog noong Abril 26 sa Shaheed Rajaee port sa Bandar Abbas, sa Islamikang Republika ng Iran," sinabi ni Stéphane Dujarric sa isang mensahe na eksklusibong ibinahagi sa IRNA.
"Ipinapahayag namin ang aming pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at sa mga tao at pamahalaan ng Islamikang Republika ng Iran. Hinihiling namin na ang mga nasugatan ay mabilis na gumaling."
Hindi bababa sa 14 katao ang bilang ng mga namatay at mahigit 700 iba pa ang mga nasugatan matapos sumabog ang isang fuel tanker sa hindi malamang dahilan sa Shaheed Rajaee port, sa Bandar Abbas.
Naganap ang pagsabog noong Sabado, na nagdulot ng pagkasira sa mga nakapaligid na lugar at kung saan din ay naapektuhan ang ilang mga industriya sa kanlurang Bandar Abbas, sa Probinsya ng Hormozghan, sa Katuimugan ng Iran.
..............
28
Your Comment