Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Pangulo ng US na si Donald Trump ay gumawa ng ilang mga kahilingan sa kanyang pakikipagpulong sa pinuno ng pansamantalang gobyerno ng Syria, si Ahmed al-Sharaa (Jolani), na gawing normal ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa mga ulat ng Western media, ang limang kahilingan ni Trump kay Jolani ay ang mga sumusunod:
1. Ang pagsali ng bansang Syria sa Abraham Accords
2. I-deport ang lahat ng mga dayuhang terorista (para bang ang ibig nilang sabihin ay mga taong hindi Syrianong citizenship).
3. Deportasyon ng mga teroristang Palestino (para bang tumutukoy sa mga miyembro ng Hamas o iba pang mga mandirigma ng Palestino ay mga terorista, pa;ibhasa sila naman ay d’ kabilang sa mga terorista).
4. Makipagtulungan sa US upang pigilan ang pagbabalik ng mga ISIS, para bng ipinapalabas ni Trump at ng kanyang mga kaalyado, di’ sila ang nag-mumuhi at nag-aalaga ng mga ISIS?!
5. Pagtanggap ng responsibilidad para sa mga detention center ng mga elemento ng ISIS sa hilagang-silangan ng Syria.
Sa kabilang banda, sinabi ni Al-Sharaa (Jolani), na aanyayahan niya ang mga kumpanyang Amerikano na lumahok sa sektor ng mga langis at gas ng Syria at sinabi rin niya, na ang Syria ay sumusunod sa kasunduan noong 1974 sa Israel.
Ang Abraham Accords ay ipinatupad noong 2020, sa unang termino ng pagkapangulo ni Donald Trump, at sa ilalim ng planong ito, apat na bansa - ang United Arab Emirates, Bahrain, Sudan, at Morocco - ay pumirma ng isang kasunduan sa kapayapaan sa Israel. Sa pagbabalik sa kapangyarihan noong Enero, inihayag ni Trump na mas lalo pa raw niyang palalawakin ang Abrahamikang Kapayapaang mga Kasunduan.
..................
328
Your Comment