12 Mayo 2024 - 05:17
Hamas | Isang bihag ng mga Zionista ay namatay matapos masugatan ito sa mga airstrike ng Israel

Ang Kilusan ng Palestinong resistance, na Hamas ay nag-anunsyo sa pagkamatay ng isang Zionistang bihag mula sa mga sugat na natamo niya noong mga airstrike ng Israeli laban sa Gaza Strip, na nagtitiis ng genocidal na digmaang Israeli.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Inihayag ng Kilusan ng Palestinong resistance, na Hamas ang pagkamatay ng isang bihag na Zionista mula sa mga sugat na natamo niya noong mga airstrike ng Israeli laban sa Gaza Strip, na kung saan nagtitiis ng genocidal na digmaang Israeli.

Ang armadong pakpak ng Hamas, Ezzedine al-Qassam Brigades, ay ginawa ang anunsyo nito noong Sabado, kahapon.

Kinilala nito ang bihag na pinag-uusapan bilang si Nadav Popplewell, na nagsasabing ang 51-taong-gulang ay nasugatan halos isang buwan na ang nakalipas.

"Ang kanyang kondisyon sa kalusugan ay lumala, at hanggang siya ay namatay dahil hindi siya nakatanggap ng masinsinang pangangalagang medikal mula sa mga sentro ng pangangalaga dahil ang pagkawasak ng kaaway sa mga ospital mula sa Gaza Strip ay nagpatalsik sa kanila sa serbisyo," sinabi ng tagapagsalita ng mga brigada, si Abu Obeida.

Humigit-kumulang nasa 250 katao pa ang mga dinalang mga kubkob na bihag noong Oktubre 7 noong nakaraang taon sa panahon ng al-Aqsa Storm, isang retaliatory operation ng mga grupo ng mga mandirigmang paglaban ng Gaza.

Hindi bababa sa 34,971 mga Palestino ang namatay mula sa Israeli genocide na nagsimula pagkatapos ng operasyon. Humigit-kumulang nasa 78,641 iba pa ang mga nasugatan sa brutal na pagsalakay ng mga Zionistang militar, habang hindi bababa ito sa 7,000 katao ang hindi nakilala.

Pinalaya din ng mga  Hamas ang 105 mula sa mga Israeli bihag nito sa isang linggong tigil-putukan noong huling bahagi ng Nobyembre.

Kamakailan ay sumang-ayon din ang grupo sa isa pang panukalang tigil-putukan na nagbibigay-daan sa pagtigil ng pagsalakay ng mga Israel at pagpapalaya sa natitirang mga bihag. Gayunpaman, tinanggihan ng rehimeng Israel ang panukala ito.

Pagkatapos ng kamatayan ni Popplewell, ang mga pamilya ng mga bihag ay nagsagawa din ng isang emergency press conference, na nanawagan sa Punong Ministro ng Israel, na si Benjamin Netanyahu na makipagkasundo sa Hamas nang walang pagkaantala.

"Wala na kaming iba pang natitirang panahon para ma-aksaya! Kailangan ninyo nang gumalaw para isagawa ang madaliang kasunduan at tigil-putukan, upang sa ganooon, maiiligtas nating lahat ng mga bihag makakabalik ng ligtas para makauwi sa kani-kanilang mga bahay, nagayon," sinabi ng mga pamilya.

Daan-daang libo ang mga nag-protesta, samantala, nagtipon sila sa Tel Aviv at sa banal na inookupahang lungsod ng al-Quds, sinusubukan ng mga press ang rehimen upang gumawa ng isa pang kasunduan laban sa mga Zionistang bihag ito.

................

328