Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Miyerkules

22 Mayo 2024

6:21:47 PM
1460444

Video | Ipinangungunahan ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran ang pagdarasal sa paglibing kay Pangulong Shaheed “Raisi” at sa kanyang mga kasamang martir

Ilang minuto ang nakalipas, ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, ang Kataas-taasang Ayatollah Imam Sayyed Ali Khamenei, ay nagsagawa ng pagdarasal sa paglilibing sa Unibersidad ng Tehran, sa ibabaw ng katawan ni Shaheed Pangulong Hojjat al-Islam wal-Muslimeen Ibrahim Raisi at ng kanyang mga kasamang martir.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon Rebolusyon ng Iran, si Kataas-taasang Ayatollah Imam Sayyid Ali Khamenei, ang nanalangin ilang minuto bago ang pagdarasal sa paglibing sa Unibersidad ng Tehran, sa ibabaw ng bangkay ni Yumaong martir na si Pangulong Hojjat al-Islam wal-Muslimeen Ibrahim Raisi at ang kanyang mga kasamang martir. Ang mga delegasyon mula sa ilang mga bansang Islamiko at Arabo ay lumahok sa karamihan upang ipagdasal ang mga bangkay ng mga martir kaninang umaga ng  Miyerkules.
Mula 7:30 ng umaga, nagsimula ang mga seremonya ng paglibing para sa mga martir ng serbisyo, sa Unibersidad ng Tehran: ang Pangulo ng Islamikong Republika ng Iran, si Ayatollah Seyyid Ebrahim Raisi, ang Ministro ng Ugnayang Panlabas, si Dr. Hossein Amir Abdullahian, ang Biyernes na Imam sa Tabriz, si Seyyid Ayatollah Muhammad Ali Al -Hashim, ang Gobernador ng Hilagang Azerbaijan, si Malek Rahmati, ang pinuno ng Koponan ng Proteksyon ng Pangulo, si Mehdi Mousavi, at ang piloto na si Taher Mostafawi, ang co-pilot na si Mohsen Daryanoush, at ang kanyang teknikal na co-pilot naman na si Behrouz Qadimi.
Matapos ipinagdasal ni Imam Khamenei ang bangkay ng mga martir, ang mga katawan ay nagsimulang dalhin sa mga balikat ng mga tao ng kabisera, na kung saan dumating at dumagsa ang milyun-milyong bilang ng mga tao mula sa Unibersidad ng Tehran hanggang sa Azadi Square.
Kagabi, isa ding seremonyang paalam para sa mga espiritong-labi ng mga martir na pangulo at ng kanyang mga kasama ay ginanap din sa bulwagan ng pagdarasal sa Tehran, sa presensya ng ilang mga malalaking pulutong ng mga tao ng kabiserang Tehran, at ngayong gabi naman ay gaganapin din ang isang pang-alaala para sa espirito ng mga martir na serbisyo sa Tehran, sa presensya ng mga dayuhan at mga internasyonal na opisyal. Ang mga labi at bangkay na martir, na si Pangulong Raisi ay magpapaalam na bukas ng umaga, Huwebes, sa Timog ng Khorasan, at pagkatapos ay ililibing siya bukas ng gabi sa Banal na Dambana ng Razavi Moske, sa Mashhad.
Ang Pangulo ng Iran, na si Ayatollah Seyyid Ebrahim Raisi, kasama ang Ministro ng Dayuhang Panlabas, na si Dr. Hossein Amir Abdollahian at ang kanilang mga kasama, ay namartir noong Linggo, matapos bumagsak ang isang helicopter na kanilang sinasakyan sa rehiyon ng Varzakan, sa lalawigan ng Hilagang Azerbaijan.
Si Ayatollah Raisi at ang kanyang mga kasama ay bumalik na patungo sa Tabriz sakay ng kanilang sinasakyang helicopter pagkatapos ng seremonya ng inagurasyon ng Qizqalasi Dam site, na ginanap sa presensya ni Azerbaijani Presidenteng Ilham Aliyev, ngunit ang helicopter ng kanilang sinasakyan ay nasangkot sa isang aksidente sa gitna ng himpapawid at nahulog hanggang sa sumabog sa mga nasabing banging na lugar sa Varzakan at silang lahat ay namartir sa isang trahedyang di' inaasahang insidente s amga sandaling ito.

...................

328