3 Agosto 2024 - 22:58
Sayyed Nasrallah: Sinadya ng mga Israel pinupuntirya ang mga sibilyan para inililihis ang opinyon ng publiko

Pagluluksa sa pagkamartir ni Shaheed Ismail Haniyeh, pinuno ng pampulitikang bureau ng Hamas, at kay Shaheed Fuad Shukr, isang kilalang kumander ng Hezbollah laban sa rehimeng Israel, sinabi ng Kalihim Heneral ng Hezbollah, si Sayyed Hassan Nasrallah na sadyang tinatarget ng mga Israel ang mga sibilyan sa mga Katimugang nayon ng Beirut habang ginagamit ang insidente, bilang isang paglilihis mula sa Majdal Shams kontrobersya.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA : Nagluluksa sa pagkamartir ni Shaheed Ismail Haniyeh, Pinuno ng Pampulitikang bureau ng Hamas, at kay Shaheed Fuad Shukr, isang kilalang kumander ng Hezbollah,  ang napaslang ng rehimeng Israeli, ang Kalihim Heneral ng Hezbollah, sinabi ni Sayyed Hassan Nasrallah, na sinasadya ng Israel ang mga sibilyan sa Atimugang nayon ng Beirut habang ginagamit ang insidente bilang isang paglihis mula sa kontrobersya ng Majdal Shams.

Ang Kalihim-Heneral ng Hezbollah, Lebanon, ay nagbigay ng talumpati noong hapon ng (Huwebes) sa okasyon ng pagkamartir ni Shaheed Ismail Haniyeh, ang Pinuno ng Pampulitikang Bureau ng Hamas, at ang pagkamartir ni Shaheed "Fuad Shukr," isang kilalang kumander ng Islamikong Mandirigmang Paglaban sa Lebanon.

Si Sayyed Hassan Nasrallah, sa simula ng kanyang talumpati, ay nagpaabot ng pakikiramay at pagbati sa pagiging martir nina Shaheed Ismail Haniyeh at kay Shaheed Fuad Shukr.

Sinabi niya, "Ako ay bumabati at nag-aalay ng pakikiramay sa pagkamartir ng ating mahal na kapatid na si 'Ismail Haniyeh' sa ating mga kapatid sa Hamas at sa Al-Qassam Brigades, sa mga mamamayang Palestino, at sa mga bansang Arabo at Islam.

Nagsalita si Sayyed Hassan Nasrallah tungkol sa kamakailang operasyon ng pagpaslang ng milimilitarmga rehimeng Zionista sa lugar ng Haret Hreik sa Katimugang nayon ng Beirut. Sinabi niya, "TinaTinargetmga kaaway ang isang gusaling puno ng mga sibilyan sa Haret Hreik habang pinapaslang naman nila ang kumander ng Hezbollah, ang martir na si Fuad Shukr."

Sinabi pa niya, "Ang layunin ng mga kaaway dito sa pambobomba sa isang gusali sa katimugang nayon ng Beirut ay upang patayin ang dakilang komandante ng Jihadi na si 'Fuad Shukr,' na humantong sa pagkamatay ng pito pang tao, kabilang ang isang tagapayo ng Iran, at pagkasugat ng dose-dosenang."

Binigyang-diin ni Sayyed Nasrallah, na ang krimeng ito ng Israeli ay hindi isang reaksyon sa insidente sa Majdal Shams kundi isang pagtatangka ng mga Zionistang kaaway para ilihis ang opinyon ng publiko bilang bahagi ng patuloy na digmaan.

Ang Kalihim Heneral ng Hezbollah ay nagpatuloy, "Ang mga kaaway ay inakusahan si Fuad Shukr ng pagpatay sa mga bata sa Majdal Shams, at ginamit ang paratang na ito bilang dahilan, ay nagsagawa ng pinakamalaking operasyon ng panlilinlang upang iligaw ang opinyon ng buong publiko."

Nilinaw din niya, "Ang mga kaaway ay inakusahan din ang Hezbollah ng insinsiden sa Majdal Shams nang hindi nagbibigay ng anumang ebidensya. Gayunpaman, ipinapakita ng aming panloob na pagsisiyasat na wala kaming koneksyon sa insidente ng Majdal Shams."

............

328

.....................