29 Hunyo 2024 - 07:06
Mga pwersang Yemeni at mga mandirigmang paglaban ng Iraqi ay tumama sa mga barkong nauugnay sa Israel

Sinabi ng mga armadong pwersa ng Yemeni, na sila at ng mga mandirigmang lumalaban Iraqi ay nagsagawa ng ilang mga operasyong militar laban sa mga barkong nakaugnay sa mga rehimeng Israeli.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi ng mga armadong pwersa ng Yemen, na sila at ang mga mandirigma ng Iraqi ay nagsagawa ng ilang mga operasyong militar laban sa mga barkong nakaugnay sa mga rehimeng Israeli.

Ang pahayag ng Yemeni ng mga pwersang Yemeni ay nagsabi, na ang mga operasyon noong Biyernes ay isinagawa bilang suporta sa mga inaaping mamamayan ng Palestino at pagganti sa genocidal war ginawa at ginagawa ng mga Israel laban sa Gaza Strip.

"Ang aming Sandatahang Lakas ay nagsagawa ng ilang mga qualitative military operations, kabilang ang isang joint military operation kasama ang Islamikong resistance sa Iraq, na kung saan nagta-target sa oil tanker na 'Waler' sa Mediterranean Sea na gamit ang ilang mga drone," sinabi ng pahayag.

"Patuungo na sana ito sa daungan ng Haifa, at ang barko ay na-target para sa paglabag sa pagbabawal sa pagpasok sa mga daungan ng sinakop na Palestine," sinabi nito.

Idinagdag ng pahayag na "ang mga puwersang misayl at puwersang hukbong-dagat ay nagsagawa ng isang operasyong militar na kung saan nagta-target laban sa barkong Amerikano, na 'Delonix' sa Dagat na Pula [Red Sea] na kung saan gamit ilang mga ballistic missiles."

"Ang operasyon na ito ay nagresulta sa barko na direktang tinamaan ng biyaya ng Allah," sinabi nito.

Sinabi ng hukbong sandatahan ng Yemen, na ito ay "nagsagawa din ng isang operasyon na nagta-target sa barkong 'Johannes Maersk' sa Dagat ng Mediteraneo gamit ang isang cruise missile, at ang operasyon ay matagumpay na nakamit ang layunin nito sa pamamagitan ng biyaya ng Allah."

"Ang barkong ito ay kabilang sa kumpanya ng 'Maersk', na isa sa mga pinaka-suportadong kumpanya para sa Zionistang entity," sinabi nito.

“Ang operasyon ay isinagawa kasabay ng isa pang operasyong militar ng mga puwersa ng hukbong-dagat sa Dagat na Pula [Red Sea] laban sa barkong 'Loannis,' na tinarget ng ilang drone dahil sa paglabag nito sa pagbabawal sa pagpasok sa mga daungan ng sinakop na Palestine, at ito ay direktang tinamaan ng biyaya ng Allah,” sinabi ng pahayag.

Idineklara naman ng mga Yemeni ang kanilang bukas na suporta para sa pakikibaka sa ngalan ng Palestine laban sa Israel mula nang inilunsad ng rehimen ang mabangis na kampanya nito sa Gaza noong Oktubre 7 matapos isagawa ng mga Palestino resistance movements ang Operation Al-Aqsa Storm laban sa sumasakop na entidad.

Sinabi ng Yemeni Armed Forces, na hindi nila ititigil ang mga pag-atake hangga't hindi itinitigil ng mga Israel ang mga opensiba sa lupa at sa himpapawid.

“Ang Hukbong Sandatahan Lakas ng Yemeni ay magpapatuloy, sa tulong ng Allah, upang isakatuparan ang kanilang mga tungkulin sa relihiyon, moral, at makatao sa ngalan ng dakilang mamamayang Yemeni at lahat ng malayang tao ng bansa sa pagsuporta sa Palestine at sa tagumpay para sa mga nakikibaka nitong mamamayan at matapang na lumaban,” sinabi nito.

"Ang mga operasyong militar ay hindi titigil maliban sa pagtigil ng pagsalakay at ang pag-alis ng pagkubkob laban sa mga mamamayang Palestino sa Gaza," babala ng hukbong Yemeni.

Samantala, sinabi rin ng Islamikong Resistance sa Iraq sa isang pahayag na "sa pakikipagtulungan sa Yemeni Armed Forces, ay nagsagawa ng operasyong militar na nagta-target sa oil tanker na 'Waler' sa Mediterranean Sea habang ito ay patungo sa daungan ng Haifa. , gamit ang ilang mga drone."

Ang pinuno ng kilusang paglaban sa Ansarullah, na si Seyyid Abdul-Malik al-Houthi ay nagsabi, na ito ay "isang malaking karangalan at pagpapala na direktang harapin ang Amerika."

Pinilit ng mga pag-atake ang ilan sa mga pinakamalaking kumpanya sa pagpapadala at langis sa mundo na suspindihin ang paglalakbay sa isa sa pinakamahalagang ruta ng kalakalang maritime sa mundo.

Sa halip, ang mga tanke ay nagdaragdag ng libu-libong milya sa mga internasyonal na ruta ng pagpapadala sa pamamagitan ng paglalayag sa paligid ng kontinente ng Africa sa halip na dumaan ito sa Suez Canal.

Bukod pa rito, ang mga mandirigmang paglaban ng Islam sa Iraq ay naglulunsad din ilang mga pag-atake laban sa mga target ng Israel mula nang sinimulan ng mananakop na rehimen ang kampanyang genocidal sa Gaza Strip.

Ang rehimeng Tel Aviv ay pumatay ng hindi bababa sa 37,765 mga Palestino at nasugatan naman ay mahigit sa 86,429 mula nang magsimula ang opensiba. Libu-libo pa ang mga nawawala at itinuturong patay sa ilalim ng mga guho.

Mahigit nasa 1.7 milyong katao na din ang mga internally displaced.

...................

328