Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Base sa imbestigasyon ng "The New York Times" ang nagsiwalat na sinadyang pinalawig ni Punong Ministro ng Israel, na si Benjamin Netanyahu ang digmaan sa Gaza upang protektahan ang kanyang politikal na karera at maiwasan ang kanyang mga kasong genocidal kriminal. Matapos ang Operasyon Al-Aqsa Flood ng Hamas noong Oktubre 2023, maraming inaasahan na babagsak si Netanyahu dahil sa malawakang pagkabigo sa seguridad. Inaasahan ng marami na matatapos ang digmaan pagsapit ng unang bahagi ng 2024, na maaaring magdulot ng pagbagsak ng kanyang koalisyon at mga legal na kahihinatnan.
Ngunit ginamit ni Netanyahu ang nagpapatuloy na labanan upang palakasin ang kanyang politikal na posisyon — una para makaligtas, at kalaunan para mangibabaw. Noong Abril 2024, iniulat na malapit na siyang pumayag sa isang anim na linggong tigil-putukan na magpapalaya sa mahigit 30 bihag at magbubukas ng usapang kapayapaan kasama ang Hamas. Pinigilan ng Ministro ng Pananalapi na si Bezalel Smotrich ang kasunduang ito nang pagbantaan niyang aalisin ang sarili mula sa koalisyon kung papayag si Netanyahu, na nagbabanta na mawawala ang kanyang gobyerno.
Sa kabila ng panawagan mula sa mga opisyal ng Estados Unidos at kalakhan ng suporta ng publiko para sa tigil-putukan, tinanggihan ni Netanyahu ang kasunduan, sinabing hindi ito tinatanggap ng hindi bababa sa 50% ng kanyang mga botante. Ipinagpatuloy niya ang digmaan, nananatiling matatag sa politika kahit na may mga kasong korapsyon at matindi ang pinsalang dulot ng digmaan.
Iniulat ng Ministro ng Kalusugan sa Gaza, na mahigit 57,762 na ang bilang ng mga Palestino ang napaslang at umabot na rin sa 137,656 ang kabuuang bilang ng mga nasugatan. Karamihan sa kanila ay bata at mga kababaihan.
Dumaranas na rin ang Gaza ng matinding kakulangan sa pagkain, habang nanganganib ang mga residente na ipinag-babaril sila habang naghihintay ng tulong. Samantala, naglabas ang International Criminal Court ng mga warrant of arrest laban kay Netanyahu at kay Yoav Gallant dahil sa mga krimen ng digmaan at mga krimeng laban sa sangkatauhan.
Sa kabila ng malawakang pagkawasak, nananatiling ligtas ang pulitikal na posisyon ni Netanyahu, ayon sa "The New York Times".
............
328
Your Comment