Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24
Biyernes

25 Hunyo 2021

11:33:07 AM
1153690

Pinuno ng Islamikang Rebolusyon: Naghintay lamang ako para sa bakunang Iranian sapagkat dapat nating protektahan at mapanatili ang pambansang tagumpay na ito

Ang Pinuno ng Islamikang Rebolusyon, Si Kagalang-galang Ayatollah seyyid Ali Khamenei, ay nakatanggap ngayong araw nito (Biyernes), mula sa unang dosis ng Iranian bakunang Corona, "Iranian's Covid Vaccine".



Ayon sa ulat na natanggap ng Ahensyang Balita ng Ahlul- Bayt (AS) ABNA News Report Agency: Si Imam Khamenei, ngayong araw (Biyernes ng umaga), ang unang dosis ng bakunang Covid Barakat ng Iran. Ang bakunang ito ay produkto ng pagsisikap ng mga Iraniang kabataang mananaliksik at siyentista at kamakailan lamang ay nakakuha ng lisensya at ang Iran ay naging isa sa anim na bansa na gumawa ng bakunang Corona sa buong mundo.

Matapos matanggap nito ang bakuna, ang Pinuno ng Islamikang Rebolusyon ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nag-aalala, na nagbigay sa bansa ng mahusay na pambansang tagumpay sa kani-kanilang kaalaman, karanasan at pang-agham at praktikal na pagsisikap sa kapakanan ng mamamayang mula sa loob at labas ng bansa.

Idinagdag pa niya: Hindi ko nais sana gumamit ng isang bakunang na hindi galing sa Iranian kaya sinabi ko, na hintayin ko muna ang bakunang Iranian sapagkat dapat nating protektahan at mapanatilihin ang pambansang tagumpay na ito, kaya't bakit hindi ito tanggapin hangga't may posibilidad na maiwasan muna ito ang paggamot sa ating sariling mga tahanan?

Ang pinuno ng Academy of Medical Science sa Islamic Republic of Iran, si Ali Reza Marandi, ay nagsabi sa isang pahayag: Ang Kanyang Eminence si Ayatollah Khamenei, mula nang magsimula ang krisis sa Corona, ay wala namang problema sa pagtanggap ng bakuna, ngunit ang Kanyang Eminence lamang ay nagtakda ng dalawang kundisyon para sa bagay na ito; Ang una, ay hindi siya dapat tumanggap ng bakuna oras na ito ay nanggaling sa labas ng bansa, at ang pangalawa, ay sigurado siya ay nakikinabang lamang siya mula sa bakunang Iranian. Samakatuwid, nang nagsimula ang proseso ng pagbabakuna sa mga mamamayan, sa pangkat ng edad nito ay kinakailangang higit sa 80 taong gulang ang edad, pinigil muna ng Kanyang Eminence ang pagtanggap ng bakuna, at naghintay lamang siya hanggang sa mabuo ang mga bakunang Iran.

Maraming mga siyentipiko at sentro ng pagsasaliksik sa loob ng Iran ang nagtatrabaho sa paggawa ng mga bakunang Iran laban sa Corona, at may dalawang modelo ang nakamit kaagad ng mga eksperto ang nagiging matagumpay na mga resulta mula sa iba't ibang yugto ng pagsubok, at sa lalong madaling panahon ay gagamitin na ito sa pangkalahatang proseso ng pagbabakuna sa loob ng bansa.

Kapansin-pansin din, na ang bakunang "Iranian Covid Barakat" ay bunga ito ng pagsisikap mula mga Iraniang kabataang mananaliksik sa loob ng Iran, na nagtapos ito mula sa ibat-ibang mga unibersidad ng Iran, at ang Islamikong Republika ng Iran, ay isa sa ilang mga bansa na kayang nagawa at gumawa ng mga ganitong klaseng epektibong bakuna laban sa CoronaVirus sa buong mundo, at ito na ang kauna-unang Bakunang Corona ginawa at lumabas mula sa rehiyon ng Kanlurang Asya, nagiging matagumpay galing sa pananaliksik mula sa larangan ng mga Iraniang Kabataang mananaliksik at siyentista.

...............................................
328