27 Setyembre 2023 - 15:38
Nakikiramay si Grand Ayatollah Sistani sa mga mamamayang Iraqi sa insidenteng sunog sa Nineveh

Nagpahayag ng pakikiramay si Grand Ayatollah Sistani sa pagkamatay ng ilang mga mamamayan ng Iraq kasunod ng insidente ng sunog sa lungsod ng Hamdaniyah, sa isang probinsya ng Nineveh, sa Iraq.

Ayon sa Ahensyang Balita ng Ahlal-Bayt (AS): - Balitang ABNA  - : Nagpahayag ng pakikiramay si Grand Ayatollah Sistani sa pagkamatay ng ilang mga mamamayan ng Iraq kasunod ng insidente ng sunog sa isang probinsya ng Nineveh, sa Iraq.

Ayon sa opisyal na pahayag ng tanggapan ni Grand Ayatollah Sistani, nagpahayag siya ng kanilang panghihinayang at damdamin sa insidente ng sunog sa Hamdaniyah, na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng daan-daang katao.

Si Ayatollah Sistani, habang nagpapahayag ng kanyang pakikiramay at pakikiisa sa mga pamilya ng mga biktima, ay humingi din siya sa Panginoong Allah ng pasensya para sa mga nakaligtas, awa para sa mga namatay at mabilis na paggaling ng mga nasugatan.

Nauna rito, inihayag ng Iraqi Civil Defense, na may 114 katao ang namatay at humigit-kumulang 200 katao naman ang bilang ng mga  nasugatan sa sunog sa isang wedding hall sa lungsod ng Hamdaniyah, sa Nineveh, probinsya ng Iraq.

......................

328