Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Sabado

18 Mayo 2024

7:11:58 AM
1459253

Isang Palestinong Journalista ang napasallang mula sa airstrike ng Israeli sa hilagang Gaza

Isang Palestinong journalista ang napaslang sa isang airstrike ng Israeli mula sa hilagang Gaza Strip, kaya umabot na sa 144 ang kabuuang bilang ng mga mamamahayag ang napatay sa kinubkob na teritoryo mula noong Oktubre 7.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Isang Palestinong Journalista ang napatay sa isang airstrike ng Israeli sa hilagang Gaza Strip, kaya umabot na sa 144 ang kabuuang bilang ng mga mamamahayag na napaslang sa kinubkob na teritoryo mula noong Oktubre 7.

Ayon sa mga ulat ng mga Palestinong media noong Huwebes, ang mamamahayag, na kinilala bilang si Mahmoud Jahjouh, ay namartir kasama ang kanyang mga miyembro ng pamilya sa isang airstrike ng Israeli sa kanilang tahanan sa Sheikh Radwan neighborhood, sa hilagang Gaza.

Ang bangkay ng mamamahayag at mga miyembro ng kanyang mga pamilya ay inilibing sa courtyard ng Al-Ahli Arab hospital, sa syudad ng Gaza.

Ang mga mamamahayag na nagko-cover sa genocidal war laban sa Gaza ay madalas na tinartaget ng mga pag-atake ng Israel mula nang inilunsad ng rehimen ang agresyon laban sa enclave noong Oktubre 7 noong nakaraang taon.

Ang mga puwersa ng Israeli ay pinipigilan din ang isang malaking bilang ng mga mamamahayag mula noon hanggang sa kaalukuyan.

.............................

328