Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Si Allameh Sheikh Ali Korani, isa sa mga kilalang iskolar at manunulat ng Lebanese Shiah, ay pumanaw na sa Kabilang Buhay.
Ang kanyang mga aklat ay sikat sa Mahdismo at siya ay itinuturing, na isa sa mga dakilang mananaliksik ng kasaysayan ng mga Imam (AS). Ang yumaong Korani ay isa sa mga mujahid ng paglaban at mga tagasuporta nito.
Isa siya sa mga estudyante at kasama ni Martir Sayyed Muhammad Baqir Sadr at aktibong miyembro ng Islamikong Da'wa Party, at dahil dito, dinala niya ang ilan sa mga matatanda at kumander ng Hezbollah sa partidong ito.
Ipinadala siya ni Grand Ayatollah Hakim sa Kuwait bilang kanyang kinatawan at pagkamatay niya, pinili siya ni Grand Ayatollah Khoei bilang kanyang kinatawan.
Napakaaktibo niya sa larangang pampulitika at panlipunan at isa sa mga tagapagtatag ng Rasool Akram Moske at Hospital sa Beirut.
Itinatag ni Allameh Korani ang Jurisprudensyal Encyclopaedia Cente at siya din ang unang gumawa ng komprehensibong programa sa kompyuter sa mundo ng Islam, na kinabibilangan ng 3,000 volume ng libro hanggang sa umabot ng 4,700 na volume bilang kanyang kontribusyon sa Islam.
Biktima rin siya ng assassination sa partidong Baath sa panahon ni Saddam, na kung saan binaril siya sa ulo mula sa malapitan, ngunit ang bala ay tumama sa kanyang bungo at siya ay nakaligtas, at ang bala ay nanatili sa kanyang katawan bilang isang dokumento ng mga krimen ng partidong Baathista.
.................
328