20 Mayo 2024 - 12:45
Sinabi ni Xi mula sa bansang China, na malaking kawalan ang pagpanaw ng Pangulo ng Iran

Nagbigay pugay si Pangulong Xi Jinping ng bansang China noong Lunes kay Iranian Presidente, na si Dr. Ebrahim Raeisi, na inilarawan ang kanyang "trahekong pagpanaw" sa isang helicopter crash bilang "malaking kawalan sa mga mamamayang Iranian".

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nagbigay pugay si Pangulong Xi Jinping ng China noong Lunes kay Iranian Presidenteng Dr. Seyyid Ebrahim Raeisi, na inilarawan ang kanyang "trahikong na pagkamatay" sa isang helicopter crash bilang "isang malaking kawalan sa mga mamamayang Iranian".

Si Raeisi ay idineklarang patay noong Lunes matapos na matagpuan ng mga rescue team ang kanyang bumagsak na helicopter sa isang nababalot na hamog, sa bandang Hilagang kabundukan na rehiyon.

Nagpadala si Xi ng "taos pusong pakikiramay" sa unang Bise Presidente ng Iran, sinabi niya, na ng tagapagsalita ng Ministrong Panlabas, na si Wang Wenbin sa isang press briefing.

"Ang kalunos-lunos na pagkamatay ni Pangulong (Raeisi) ay isang malaking pagkawala sa mga mamamayang Iranian, at ang mga Tsino ay nawalan ng isang mabuting kaibigan," sinipi ni Wang ang sinabi ni Xi.

Ang China ay isang malapit na kasosyo ng Iran, ang pinakamalaking kasosyo nito sa kalakalan, at isang nangungunang mamimili ng sanctioned na langis nito.

Ayon kay Wang, sinabi ni Xi, na "Si Pangulong Raeisi ay gumawa ng mahahalagang kontribusyon sa pagpapanatili ng seguridad at katatagan ng Iran, pagtataguyod ng pambansang kaunlaran at iba pang mga diskarte, at gumawa din siya ng mga aktibong pagsisikap na pagsamahin at paunlarin ang komprehensibong estratehikong partnership ng China at Iran".

Mag-aalok din ang China ng "lahat ng kinakailangang suporta at tulong" at "patuloy para suportahan ang gobyerno at mga tao ng Iran sa pangangalaga ng kanilang kalayaan, katatagan at pag-unlad", aniya.

Sinabi ni Wang, na nagpahayag din ang China ng "malalim na kalungkutan" sa pagkamatay ng Ministro Panlabas ng Iran, na si Hossein Amir-Abdollahian, na nakasakay din sa helicopter.

Naka-half-mast din ang watawat ng Iran sa labas ng embahada nito sa Beijing, nakita ng ilang mga reporter ng AFP.

Ang Iranian Presidente, na si Dr. Ebrahim Raeisi at si Ministrong Panlabas, si Hossein Amir-Abdollahian ay namartir sa isang helicopter crash sa hilagang-kanlurang, sa lalawigan ng Hilagang Azarbaijan.

Ang helicopter na sinasakyan ni Pangulong Raeisi at ang kanyang mga kasamang delegasyon ay bumagsak noong Linggo sa kagubatan ng Dizmar, na matatagpuan sa pagitan ng mga lungsod ng Varzaqan at Jolfa, sa Probinsya ng Hilaga ng Azarbaijan.

Inihatid sana nito sina Raeisi, si Amir-Abdollahian, sa Hilagang Azarbaijan, si Gobyernador Malek Rahmati, Pinuno ng Biyernes na panalangin sa lungsod ng Tabriz, si Seyyid Mohammad Ali Al-e Hashem, at isa pang miyembro ng bodyguard team ng presidente, na si Mahdi Mousavi. Kasama rin sa iba pang sakay ng isa pang chopper ang piloto, co-pilot at crew ng helicopter.

Si Pangulong Raeisi at ang kanyang mga kasamang delegasyon ay babalik mula sa isang seremonya upang pasinayaan ang isang Dam sa ilog ng Aras, kasama ang Pangulo ng Azerbaijan na si Ilham Aliyev.

..............................

328