Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaugdigang Balita ng AhlulBayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Umabot sa pito ang puwersa ng Israel ang napatay sa katimugang Lebanon sa panahon ng labanan at sagupaan laban sa Kilusang Islamikong Paglaban ng Hezbollah sa bansa.
May kabuuang 21 mga tropa ng zionista ang nasugatan sa mga nasabing sagupaan, kung saan ang ilan kanila ay nasa malubhang kondisyon.
Ang mga nasawig tropa ng Israeli ay iniulat matapos ibinunyag ito ng mga media outlet ng Israel na nagaganap ang isang "mahirap na insidente sa seguridad" na kung saan kinasasangkutan ng mga pwersa nito para isabak sa labanan at sagupaan doon sa katimugang Lebanon.
Samantala, ipinagbawal naman ng mga militar ng Israel ang lahat ng nauugnay na media outlet para mag-leak ang kanilang mga detalye ng bawat insidente sa kanilang pangyayari.
Ayon sa mga militar, 61 mga tropa nito ang nasugatan sa katimugang Lebanon sa nakalipas na 24 na oras.
Sa isang pahayag din noong Biyernes, inihayag ng kanilang mga militar nito, na may 10 sa mga pwersa nito ang napatay sa mga sagupaan sa bandang katimugan ng Lebanon sa nakalipas na 48 oras.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi ay kabilang sa kabuuang nito, ay umabot na sa 5,150 ang pwersa ng mga Israeli, habang ang kabuaang bilang naman ng mga nasugatan, ay umabot na rin sa 764 sa mga ito ay seryoso, mula noong Oktubre ng nakaraang taon, nang ipinaigtingin ng rehimen zionitsa ang nakamamatay na pananalakay nito laban sa Palestine at Lebanon, bukod pa sa paglulunsad ng mga talamak na pagtatangka sa pagsalakay sa katimugang bahagi ng bansa, na kung saan nag-udyok ito sa malakas na paghihiganti mula sa mga Islamikong Mandirigmang Paglaban ng Hezbollah.
Noong Biyernes naman, ang nasabing Islamikong Kilusan n Hezbollah ay naglunsad ng pinaka-mataas na rekord ang bilang ng mga operasyon nito sa 48 na matagumpay na operasyon laban sa sinakop na mga teritoryo ng Palestino sa mga ibat-ibang lugar at bayan.
Nang maglaon nito, ang kilusan ay naglabas ng isang pahayag, na nagbabala sa mga iligal na pananakop ng mga Israeli sa buong teritoryo "na lumikas kaagad."
“Ang inyong mga pamayanan ay naging isang lugar ng deployment at katatagan para sa mga pwersang militar ng mga kaaway na umaatake laban sa Lebanon. Bilang isang resulta, sila ay naging mga lehitimong target ng mga militar para sa himpapawid at lakas ng mga missiles at rockets ng Islamikong Resistance," sinabi nito.
Samantala, ang Channel 12 naman ng rehimeng Israel ay nag-ulat, na umabot na rin sa 125 na mga rocket ang pinaputok patungo sa rehiyon ng Galilea sa hilagang bahagi ng mga teritoryo sa loob lamang ng dalawang oras.
Ang Islamikong Hezbollah ay nagsasagawa ng daan-daang mga naturang pag-ganting welga bilang tugon sa tumindi na pagsalakay ng Israeli na hanggang ngayon ay kumitil na rin sa 2,653 mga Lebanese na mga lokal na sibilyan ang mga napaslang, kabilang ang mga ito ay mga kababaihan at mga bata.
Kamakailan lamang, ang pagsalakay ng mga teroristang zionista ay pumatay ng 19 na mga Lebanese na tao at nasa 108 din ang bilang ng mga nasugatan sa buong Lebanon.
.................
328