4 Hunyo 2017 - 23:28
Casino mamamaril lulong sa sugal, lubog sa utang

Dating empleyado ng Departamento ng Pananalapi... Kinumpirma at pinangalanan kahapon ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang suspek sa insidente sa Resorts World Manila, kamakailan.

Dating empleyado ng Departamento ng Pananalapi...
Kinumpirma at pinangalanan kahapon ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang suspek sa insidente sa Resorts World Manila, kamakailan.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt- (ABNA24) - Kinilala itong si Jessie Javier Carlos, 42, nakatira sa San Lazaro, Brgy. 339, Sta. Cruz, Manila. Hiwalay sa asawa at may tatlong anak.

Ayon kay Albayalde, natunton nila ang bahay ni Carlos dakong alas-2:00 ng madaling araw sa pamamagitan ng “backtracking” mula sa lugar na pinara niya ang isang taxi na kung saan ay nakunan nila ang tsuper ng testimonya at natunton rin ng pulisya ang mga magulang ni Carlos.

Nabatid na dating empleyado si Carlos sa “One Stop Shop” opisina ng Departamento ng Pananalapi na tinanggal sa trabaho dahil sa hindi pagdedeklara o misdeclaration ng kanyang statements, assets, liabilities and net worth (SALN).

Kinumpirma ng Departamento ng Pananalapi na dati nilang kawani si Carlos na umano ay lubog sa utang at sinibak ng Ombudsman noong 2014 sa kasong grave at gross neglect of duty dahil sa hindi nito pagdeklara sa house and lot sa Manila sa kanyang 2003 to 2006 SALNs, kanyang Toyota Innova SUV noong 2007 SALN, at business interest sa 2010 SALN.

Ayon sa mga kaanak, hiniwalayan ang suspek ng kanyang asawang si Jen Carlos dahil na rin sa pagkalulong sa sugal.

Madalas raw na P40,000 ang minimum bet nito kapag nagka-casino. Napag-alaman din na may utang na P4-M si Carlos sa bangko. Ibinenta na rin daw niya ang kanyang mga ari-arian dahil sa problemang pinansyal.
Naka-ban din si Carlos sa lahat ng casino mula pa noong April 3, 2017 na ipinag-utos ng PAGCOR.

Dahil dito, idineklara na ni Albayalde na “cased closed” na ang kaso at binura na ang iba’t ibang mga espekulasyon partikular ang pagdadawit sa grupong ISIS sa pag-atake.

Subalit, nilinaw ni Albayalde na tuloy pa rin ang imbestigasyon nila sa panig naman ng RWM kung paano nakalusot sa kanilang seguridad ang gunman at mga posibilidad na kapabayaan.