15 Setyembre 2024 - 18:27
Inamin ng mga sundalong mananakop ng Israel ang kapalpakan nito para harangin ang Yemeni missile target ang"Tel Aviv" ( 6 Videos)

Ang tagapagsalita ng mga sundalong mananakop ng Israel ay nag-ulat noong Linggo, na kung saan nanmay isang missile inilunsad mula sa Yemen ay nakarating sa gitnang Israel nang hindi naharang ng kanilang nga Iron Dome.

Ayon saulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang tagapagsalita para sa hukbo ng pananakop ng Israel ay nag-ulat noong Linggo, na may isang Yemeni missile na inilunsad mula sa Yemen ay nakarating sa gitnang Israel nang hindi naharang ng kanilang mga Iron Dome Depensabg Missiles.

Nagkaroon ng kalituhan at hindi pagkakapare-pareho sa mga pahayag mula sa mga awtoridad ng Israeling pananakop at kanilang media tungkol sa welga at ang mga target na tinamaan nito, ngunit kinumpirma nilang lahat ang kabiguan ng Israeli missile defense systems na harangin ito.


Kinilala ng media ng mga kaaway, na ang Yemeni missile ay napakalakas at hypersonic, na kung saan nalampasan niya ang lahat ng depensa at tumama pa ito sa isang lugar ng militar sa Lod malapit sa Ben Gurion Airport.

Ayon sa media ng mga kaaway, higit sa 20 air defense missiles mula sa "Arrow" at "David's Sling" na sistema ang pinaputok mula sa sinasakop na Jerusalem ngunit nabigong mabaril ang Yemeni missile na naka-target sa mga sentral na teritoryong sinasakop na lungsod.

Napansin din ng mga Israeli media, na ito ang unang pagkakataon na ang isang ballistic missile ay nakarating sa gitna ng bansa, at sinisiyasat ng militar ang pagkabigo na makita ito bago ito dumating sa kalgitnaan ngvkanilang lungsod.

Inamin din ng Israel Channel 12, na nabigo ang Israeli air defenses na harangin ang missile mula sa Yemen.

Para sa bahagi nito, ang Israeli Channel 14 ay nag-ulat, na ang paunang pagsisiyasat ng Israeli Air Force ay nagpapahiwatig, na ang lahat ng mga interceptor ay nabigong harangin ang mga Yemeni missile nito inilunsad mula pa sa Yemeni, Sanaa.

Ang "Hadashot 24" Hebrew website ay nag-ulat, na may isang malaking bilang ng iba't ibang mga interceptor ay pinaputok sa papasok na Yemeni missile ngunit nabigo itong maharang.

Binanggit ng Israeli Army Radio, na ang Israeli Air Force ay nag-iimbestiga sa mga dahilan sa likod ng kabiguan nito, na  maharang ang missile mula sa Yemen.

Ang serbisyong medikal ng "Magen David Adom" ay nag-ulat na siyam ang nasugatan habang nagmamadali sa mga silungan kasunod ng pag-atake ng missile sa gitnang Israel, silangan ng sinasakop na Yaffa.

Tumunog ang mga sirena kaninang umaga sa okupado na Yaffa, na tinatawag ng okupasyon bilang "Tel Aviv," at sa buong Palestine na sinasakop sa gitna, na nag-udyok sa mahigit dalawang milyong settler na humingi ng kanlungan.

Nauna nang nag-ulat ang media ng kaaway ng paunang balita tungkol sa direktang pagtama sa isang power station sa timog-silangan ng "Tel Aviv," kasama ang mga bumbero na patuloy na nagsisikap para maapula ang apoy na dulot ng paghampas ng missile sa nasabing lugar.

Ang Sandatahang Lakas ng Yemeni naman ay hindi pa nagpahayag ng anumang operasyon laban sa pananakop na l entidad. Gayunpaman, nangako din ang Yemen na gagantihan ang pagsalakay na nag-target sa istasyon ng kuryente at mga tangke ng gasolina sa daungan ng Hodeida noong Hulyo.

1- Footage ng sandali na tinangka ng Iron Dome ng pananakop na harangin ang pag-atake ng missile ng Yemeni. Mapapanood sa Video 2 - Sumiklab ang apoy sa lugar sa gitnang sinasakop na Palestine matapos bumagsak ang isang missile ng Yemeni, sa gitnang syudad ng Yaffa. 

.........

328