Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang kinatawan ng Malaysia sa International Court of Justice (ICJ), sa “The Hague” ay mahigpit kinondena niya ang rehimeng Zionista, na naglalarawan sa mga aksyon nito bilang naglalayong "pag-alis at pagkawasak" ng mga Palestina. Ang pahayag na ito ay ginawa sa mga patuloy na pagdinig para tumutugon sa pagharang ng Israel sa United Nations Relief and Works Agency para sa Palestine Refugees (UNRWA).
Ang mga sesyon ng ICJ ay nagsimula noong Lunes at nakatakdang magpatuloy hanggang Biyernes, kung saan umabot ng 45 internasyonal na organisasyon at bansa, kabilang na ang Iran, ang lumahok upang ipakita ang kanilang mga pananaw sa usaping ito. Ang kinatawan ng Malaysia, na si Azalina Othman, na humarap sa korte, ay kung saan inakusahan niya ang rehimeng Zionista ng sistematikong pagsisikap na tanggihan ang mga Palestino ng kanilang karapatan sa pagpapasya sa sarili at upang lansagin ang mga imprastraktura na sumusuporta sa dignidad ng tao sa mga nasasakop na teritoryo.
Kasabay nito, ibinasura ng Zionistang Foreign Minister, na si Eli Cohen ang mga pagdinig, na inaakusahan ang UN at UNRWA ng anti-Semitismo. Idineklara din ni Cohen ang pagtanggi ng Israel para lumahok sa mga paglilitis, na lalong nagpapataas ng mga tensyon sa paligid ng imbestigasyon.
Ang Kilusan ng Islamikang Resistance (Hamas) ay malugod naman ito tinanggap ang mga pagdinig ng ICJ, na binibigyang-diin ang kanilang kahalagahan sa pagpapanagot sa mga pwersang Zionista para sa patuloy na mga krimen laban sa mga Palestina. Ang Hamas ay nagpahayag ng pag-asa para sa makabuluhang mga hakbang tungo sa hustisya para sa kinubkob na populasyon sa Gaza.
Binigyang-diin ng kinatawan ng Palestino, na si Ammar Hijazi, ang bukas na adbokasiya ng Punong Ministro ng Israel, na si Netanyahu para sa paglilipat ng mga Palestina at paghadlang sa paghahatid ng mahahalagang tulong sa Gaza. Tinawag ni Hijazi ang pansin sa malalang kahihinatnan ng mga aksyon ng Israel, na mahigit pang nagbabanta sa mga lupain at sa kabuhayan ng mga Palestino.
Hinimok naman ng Palestinong Kilusan ng Islamikang Jihad ang ICJ, na dapat lamang ipapatupad ang mga naunang inilabas na warrant of arrest laban kay Netanyahu at kay Gallant, na binibigyang-diin niya, na ang mga bansang hindi sumunod sa pagpapatupad na ito ay dapat managot sa pakikipagsabwatan.
Binigyang-diin naman ng UNRWA Commissioner-General Philippe Lazzarini, ang mahalagang papel ng UNRWA sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Palestino sa mga sinasakop na teritoryo. Iminungkahi niya ang walang patid na pagpapatuloy ng mga serbisyo nito hanggang sa makamit ang isang napapanatiling solusyon sa krisis sa refugees camps.
…………..
328
Your Comment