12 Hulyo 2025 - 02:07
Kontrobersyal na plano ng rehimeng Zionista sa negosasyon ng ceasefire

Isang mapa na naglalatag ng batayan para sa sapilitang paglisan.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Isang mapa na naglalatag ng batayan para sa sapilitang paglisan. "40% ng Gaza ay para sa amin"

Ayon sa planong ito, mananatiling nasa ilalim ng okupasyon ng hukbong Zionista ang buong lungsod ng Rafah. Gayundin, ang mapa ay naglalaan ng malaking bahagi ng Gaza Strip, na kung saan umaabot na ito hanggang sa 3 kilometro sa ilang lugar, sa ilalim ng kontrol ng mga Zionista.

Kasama sa planong ito ang malalaking bahagi ng lungsod ng Beit Lahiya, ang nayon ng Umm al-Nasr, karamihan sa Beit Hanoun, at ang buong rehiyon ng Khaza'a. Sa kabuuan, ang mapa na ito ay naglalagay ng halos 40% ang sukat ng Gaza Strip sa ilalim ng okupasyon ng rehimen ng Zionista.

Layunin ng planong ito para pigilan ang 700,000 na mga Palestino para bumalik sa kanilang mga tahanan. Sa halip, itinutulak sila patungo sa mga sentro ng mga lumikas na tao sa lungsod ng Rafah bilang isang hakbang patungo sa kanilang sapilitang pagpapalabas mula sa Gaza patungong Egypt o sa iba pang mga bansa.

.........

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha