Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Lunes

20 Mayo 2024

11:56:04 AM
1459767

Ang mga tao ng Russia at Pakistan ay nakikiramay sa trahedya ng mga Iranian na aksidente

Ang mga tao sa Russia at sa Pakistan ay nagpahayag ng kani-kanilang pakikiramay sa mga Iranian, lalong-lalo na sa pagkamartir ni Pangulong Dr. Seyyid Ebrahim Raisi, kanyang Ministetrong Panlabas, na Hossein Amirabdollahian, at ng anim pang kanilang mga kasama sa pagbagsak ng isang helicopter noong Linggo.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nagpahayag ng simpatiya ang mga tao ng Russia at Pakistan sa mga Iranian, sa pagkamartir ni Pangulong Dr. Seyyid Ebrahim Raisi, kanyang Ministrong Panlabas, na si Hossein Amirabdollahian, at kanilang mga kasama, sa pagbagsak ng helicopter noong Linggo.

Kasunod ng insidente, itinaas ng Iranian Embassy sa Russian Federation ang bandila ng Islamikong Republika ng Iran, sa half-mast bilang tanda ng pagluluksa at respeto.

Nagpakita rin ng mga bulaklak ang ilang mamamayang Ruso sa harap ng embahada ng Iran sa Moscow bilang tanda ng pakikiramay sa mamamayang Iranian.

Mas maaga noong Lunes, ang Pangulo ng Russia, na si Vladimir Putin, sa isang mensahe ay nagpaabot din kaagad siya ng kanyang pinakamalalim na pakikiramay sa Kataas-taasang Pinuno ng Isalmikong iran at sa mga mamamayang Iranian sa malaking trahedya. Sinabi ni Putin, na si Pangulong Raisi ay isang kilalang politiko na nagsilbi sa kanyang bansa sa kanyang buhay. Siya ay tunay na kaibigan ng Russia at gumawa ng seryosong pagsisikap para paunlarin ang antas ng estratehikong kooperasyon sa pagitan ng Moscow at ng Tehran, aniya.

Ang watawat ng Pakistan din ay kalahating itinaas, bilang sa isa pang pagluluksa para sa pagkamartir ni Ayatollah Raisi, at ang embahada ng Iran sa Islamabad ay nagbukas din ng isang aklat na pang-alaala para sa mga martir ng aksidente sa helicopter.

Binigyang diin din ng mga opisyal ng Pakistan, na nalulungkot sila sa pagiging martir ni Ayatollah Raisi at ng kanyang mga kasamahan.

Ang Punong Ministro ng Pakistan, na si Shehbaz Sharif ay nagdeklara din naman ng araw ng pagluluksa sa Pakistan bilang tanda ng paggalang kay Iranian Presidenteng Ebrahim Raisi, na namatay sa isang helicopter crash.

Ang mga labi ng helicopter na sinasakyan ni President Raisi at ng kanyang entourage ay natagpuan kaninang madaling araw kasunod ng malawakang search and rescue operation magdamag sa masungit na terrain ng Dizmar forest sa Probinsya ng Hilagang Azerbaijan.

................................

328