Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Miyerkules

22 Mayo 2024

7:01:34 AM
1460312

Taos-pusong pakikiramay sa Pangulo ng Islamikong Republika ng Iran, sa Ministro ng Panlabas at sa kanilang mga kasama, sa trahedyang insidente, sa kanilang pagkamartir!

Sa Marangal na Tanggapan ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, Kanyang Kabunyian, si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Pinuno at Tagapamahala ng Ahl al-Bayt (AS) Philippines Islamikong Asembleya, Inc, (ABPIA), si Sheikh Abu Mahdi al-Nawari, ay naglabas ng mensaheng pakikiramay tungkol sa trahedyang insidente at pagkamartir ng Pangulo ng Islamikong Republika ng Iran, na si Pangulong Ayatollah Dr. Seyyid Ebrahim Raeisi, kay Ministrong Panlabas, si Dr. Hussein Amir-Abdollahian at ng kanilang mga kasama sa pagbagsak ng kanilang sasakyang helicopter - noong Linggo, 19-05-24 AD | 11-11-1445 AH.

Mababasa ang kabuuang bilang ng Kanyang mensahe sa mga sumunod konteksto.

Sumasainyo nawa ang kapayapaan at awa at pagpapalain ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan mapasainyong lahat

"Katotohanan tayo'y mula kay Allah at tiyak sa Kanya tayong babalik".

Mula sa Asembleya ng Ahl al-Bayt (AS) Islamikong Philippines, Inc, (ABPIA), bilang Tagapamahala at Pinuno ng Islamikong Asembleya ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) sa bansang Pilipinas, mariing namin ipinapaabot ang aming taos-pusong pakikiramay sa tagapagligtas ng sangkatauhan, kay Imam Sa'hibu al-Asr waz Zaman al-Mahdi (ajTf) at para kay inaaping Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran at Kataas-taasang Pinunong awtoridad ng Islam, Kanyang Kamahalan, si Imam Ayatollah Seyyid Ali Khamenei at sa lahat ng mga kagalang-galang na Muslim sa Iran, sa di' inaasahang pangyayari at panahon, sa pagka-martir ng Pangulo ng Islamikong Republika ng Iran, si Shaheed Ayatollah Seyyid Ebrahim Raeisi, Ministro ng Pambansang Republika ng Iran, si Shaheed Dr. Hussein Amir-Abdollahian, Gobernador, sa Probinsya ng Silangang Tabreez, si Shaheed Dr. Malik Rahmati, Pinuno ng panalangin sa Biyernes, sa Tabreez, na si Shaheed Ayatollah Seyyid Mohammad Hashemi at ng kanilang mga kasamahan, ang aming mga panalangin at simpatiya ay tiyak makakasama sa inyong mga kalungkutan para mga oras na ito.  

Kami'y nagpaabot ng aming taos-pusong panalingin at pakikiramay sa Makapangyarihang Diyos, na bigyan silang lahat ng matataas na ranggo at posisyon sa Paraiso, at bigyan ng lakas at pasensya ang lahat ng kanilang mga iginagalang na naulila at naiiwang mga pamilya, at ganoon din, sa lahat ng mga inaaping mamamayang bansang Iran, upang mabata nila ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay sa mga napaka-hirap, napaka-bigat na trahedyang insidente at pangyayari, sa sandaling ito.

Taos-pusong pakikiramay 

Sheikh Abu Mahdi al-Nawari 

Pangulo ng Ahl al-Bayt (AS) Islamikong Asembleya at tagapagpaganap na Direktor ng Madrasah ng Ahl al-Bayt (AS), sa Suterville, sa Syudad ng Zamboanga, sa Pilipinas

...................

328