30 Hunyo 2024 - 07:24
Kinondena ng OIC ang plano ng Israel para magtayo na naman ng mga bagong pananakop na outpost

Kinondena ng makapangyarihang grupo ng 57 Islamikong bnasa, ang plano ng Israel na kung saan magtayo na naman ng mga pani-bagong panannakop na outpost, sa Hilagang Bank sa kabila ng internasyonal na pagsisigaw.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Kinondena ng makapangyarihang grupo ng 57 Islamikong bnasa, ang plano ng Israel na kung saan magtayo na naman ng mga pani-bagong panannakop na outpost, sa Hilagang Bank sa kabila ng internasyonal na pagsisigaw.

Sa isang pahayag noong Sabado, ang Organization ng Islamikong Cooperation (OIC) (dating Organization ng Islamikong Conference) ay mariing tinuligsa ang desisyon ng rehimeng Israeli na gawing lehitimo ang limang bagong  pananakop outpost nito, at ang kasunod na pagtatayo ng libu-libong bagong ilegal na mga yunit ng pabahay sa lugar, iniulat ng Press TV.

Habng pinuna din ng intergovernmental na organisasyong Islam ang pagpapataw ng buwis sa mga simbahan, gayundin ang kanilang mga kaakibat na institusyon at ari-arian sa sinasakop ng Israeli Old City ng al-Quds. Binatikos naman  nito ang pagbabawas ng rehimeng Tel Aviv sa mga kita sa buwis ng Palestino

Ang mga naturang hakbang ay naaayon sa patakaran ng Zionistang entidad ng ethnikong cleansing, pagpilit sa may-ari ng ;up[ain at tahanan at ganoon din ang genocide laban sa mga mamamayang lokal na Palestino, sinabi ng OIC.

Binigyang-diin naman ng organisasyon, na ang lahat ng mga aksyon at desisyong ginawa ng Israel bilang kapangyarihang sumasakop upang ipagpatuloy ang kolonyal na rehimen nito sa sinasakop na teritoryo ng Palestino ay walang bisa sa ilalim ng internasyonal na batas at ang mga kaugnay na resolusyon ng UN Security Council, lalo na ang UN Security Council Resolution 2334 (2016).

Sa wakas ay nagbabala din ang OIC tungkol sa panganib ng paglala ng terorismo ng settler sa West Bank, na kung saan nananawagan sa internasyonal na komunidad na gampanan ang mga responsibilidad nito sa pagpilit sa Israel para itigil na ang genocide laban sa Gaza Strip at sa mga iligal na hakbang na ipinapatupad nito sa buong sinasakop na mga teritoryo ng Palestino.

..........................

328