Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Linggo

30 Hunyo 2024

7:56:36 AM
1468661

Sayyed Nasrallah: Ang mga mandirigmang paglaban ay umaasa sa Iran at sa matapang na Pinuno nito

Sinabi ng Pangkalahatang Kalihim ng Hezbollah, na ang mga inaaping bansa at sa mga kilusang Paglaban ay umaasa ngayon sa Islamikong Republika ng Iran at sa matapang at matalino nitong Pinuno nito, na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi ng Pangkalahatang Kalihim ng Hezbollah, na umaasa ngayon ang mga inaaping bansa at mga kilusang Paglaban sa Islamikong Republika ng Iran at sa matapang at matalino nitong Pinuno, na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei.

Ginawa ni Seyyed Hassan Nasrallah ang kanyang pahayag sa isang mensahe sa International Congress of Holy Shrine Defenders and Resistance Front Martyrs, na binasa ng kanyang kinatawan sa Iran, na si Seyyid Abdallah Safi Al-Din habang ang pagtitipon ay naganap sa lungsod ng Mashhad noong Sabado.

Sinabi ng pinuno ng Hezbollah, na ang mga inaaping bansa sa rehiyon ng Kanlurang Asya ay binibigyan ngayon ng pagkakataong para makatanggap ng suporta mula sa Islamikang Republika nhg Iran at sa Pinuno nitong si Ayatollah Khamenei, na nangunguna sa pagtatanggol sa Islamikong Ummah sa harap ng mga mayayabang na kapangyarihan at sa mga mananakop.

"Ngayon, ang mga inaapi na bansa at mga kilusan ng paglaban, pagkatapos ng Diyos, ay umaasa sila sa makapangyarihang tagasuporta na ito sa lahat ng mga larangan," sinabi ni Nasrallah, at idinagdag pa niya, na ang Islamikong Republika ay hindi iniiwan ang mga kaibigan nito o ipinagkanulo sila, sa halip ang mga dakilang kumander nito ay nagsasakripisyo ng kanilang buhay sa landas ng katotohanan ng pagtatanggol sa mga bansang inaaapi, lalong-lalo na ang Palestine.

Pinuri naman niya ang mga tagumpay na nagawa sa mga nakalipas na mga dekada, na sinasabi niya, na ang mga tagumpay na iyon ay naglagay na ngayon sa "atin sa landas ng dakilang tagumpay, para palayain ang bansang Palestine mula sa pananakop ng mga mananakop na Zionista at palayain ang buong rehiyon mula sa hegemonya ng US".

Ang dakilang tagumpay na ito at ang pagpapatuloy ng walang sawang pagsisikap ay nangangailangan ng mas maraming oras, dagdag niya.

.....................

328