16 Hulyo 2024 - 12:51
Minarkahan ng mga Iranian ang ika-sampung araw na kaarawan ng Muharram Ashura anibersaryo sa pagka-martir ni Imam al-Hussein (as)

Ang mga Iranian sa buong bansa ay nagsagawa ng mga prusisyon ng pagluluksa upang gunitain ang ika-sampung kaarawan ng Muharram Ashura, ang araw na kung saan minarkahan ang anibersaryo ng pag-kamartir ng ikatlong Shiah Imamiyah, na si Imam al-Hussein (AS), ang apo ng Banal na Propeta ng Islam, na si Mohammad (saww).

Ayon sa ulat,  iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) - Balitaang ABNA  -: Ang mga Iranian sa buong bansa ay nagsagawa ng mga prusisyon ng pagluluksa upang gunitain ang ika-sampung araw ng Muharram o Ashura, ang araw nabito ay kung saan minarkahan ng mga Iranian Shiah Ja'fariyyah, ang anibersaryo ng pag-kamartir ng ikatlong Shiah imamiyyah, si Imam al-Hussein (AS), ang apo ng Banal na Propeta ng Islam, na si Mohammad (saww).

Ang Ashura, ito ay nangangahulgan ang ikasampung araw sa buwan ng kalendaryong lunar ng Muharram. Sa araw na ito, si Imam al-Hussein (AS) at ang kanyang 72 mga kasamahan, sabaraw na ito ay ipinaslang ng malupit sa kanilang panahon, na si Yazid Bn Mu'awiya (la) noong labanan sa Karbala noong 680 AD | 61 AH.

Ang okasyon na nito ay may malaking kahalagahan para sa mga Muslim sa buong mundo at ginugunita nila bawat taon mga kaganapan ito bawat taon.

Sa Iran, ang mga seremonya ng pagluluksa para kay Imam al-Hussein ay nagsisimula sa unang araw ng Muharram banggang sa  umabot sa kanilang kasukdulan sa tanghali sa araw mismo ng Ashura, nang ang Imam al-Husayn (as) at ang kanyang mga kasamahan ay ipinaslang ng walang awa at ibinihag ang mga kababaihan mula sa Karbala hanggang, Kufa, mula sa Kufa na mam hanggang Damascus,  Syria.

Ang mga nagdadalamhati ay bumubuhos sa mga lansangan at nagtitipon sa loob ng mga mosque sa buong bansa. Nagluluto din sila ng mga pagkain at ipinamamahagi ito sa mga kamag-anak at kaibigan pati na rin sa mga mahihirap.

Ang mga seremonya ng pagluluksa ng Ashura ay nagpapatuloy hanggang sa gabi kung kailan ang mga Iranian ay nagdaraos din ng mga kandila.

..................

328