Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Punong Ministro ng Iraq na si Mohammed Shia al-Sudani ay naglabas ng ilang desisyon sa mga gobernador hinggil sa paghahanda para sa darating na Arbaeen Pilgrimage ni Imam al-Husayn (as).
Ang Opisina ng Media ng Punong Ministro ay nagsabi sa isang pahayag na dala ng Balitang Ahensya ng Iraq [Iraqi News Agency (INA)], na ipinahayag ni al-Sudani ang kanyang pagpapahalaga sa mga pagsisikap ng mga gobernador ng Iraq sa pagsuporta sa mga teknikal na koponan na may kinalaman sa pangkalahatang census ng populasyon ng buong rehiyon ng Iraq, na kung saan umaasa siya sa pagbubuo ng mga plano sa pagpapaunlad at lahat ng mga patakaran at programa ng estado paghahanda sa darating na kaarawan ng Arbaeen Pilgrimage ni Imam al-Husayn (sumakanya nawa ang kapayapaan).
Inutusan at nagbibigay din siya ng isang ekslusibong kautusan hinggil sa mga tungkulin at mahigpitna na pagbabantay sa seguridad sa"mga lokal na pamahalaan para gawin ang mga kinakailangang pagsisikap bilang paghahanda para sa pagbisita ng espesyal na panauhin at mga bisita ni Imam Aba Abdillah al-Hussayn (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa darating na Arbaeen Pilgrimage, at inutusan niya ang mga gobernador na may mga tawiran sa hangganan na isagawa ang kanilang mga tungkulin at mga gawain sa buong malawak na serbisyo sa kanilang dadalo at papasok at lalabas sa bawat ng mga hangganan."
"Ang permanenteng komite para sa milyung-milyon taong bisita ay patuloy na nagdaraos ng mga pagpupulong nito mula noong katapusan pa ng mga seremonya ng pagbisita noong nakaraang taon, at nagtakda ng mga priyoridad nito at magsasagawa ng isang espesyal na kumperensya sa susunod na linggo tungkol din sa mga bagay na dapat na ipapatupad ng mahusay at di' inaasahang pangyayari tulad ng ginawang paghihigpit nito para sa mga milyong-milyon mga bisita," sinabi niya.
Kasabay din nito, pinahahalagahan ni al-Sudani ang "mga pagsisikap ng banal na gobernador ng Karbala at ang mga partido na sumusuporta dito sa pagbisita sa Muharram."
.................
328