Sa seremonyang ito, binigkas ang Ziyarat Arbaeen, at isang talumpati ang binigkas ni Hujjat al-Islam wal-Muslimeen Aslani. Ang mga elegista ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) ay bumigkas ng mga elehiya bilang pagluluksa para sa Pinuno ng mga Martir [Imam Hussain (sumakanya nawa ang kapayapaan)], at ang seremonya ay nagtapos sa pangunguna ni Ayatollah Khamenei, sa mga panalangin sa tanghali at hapon.
Ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran ay nagbigay ng maikling talumpati sa pagitan ng dalawang panalangin, na itinampok ang mga tema ng Ziyarat Ashura, na kung saan nauukol sa kahalagahan ng pakikipagkaibigan sa mga kaibigan ni Imam Hussain (sumakanya nawa ang kapayapaan) at pagkapoot sa kanyang mga kaaway hanggang sa Araw ng Paghuhukom. "Ang labanan sa pagitan ng harapan ni Imam Hussain (sumakanya nawa ang kapayapaan) at ng harapan ng mga tao tulad ni Yazid [mga mapang-api] ay isang walang katapusan, patuloy na labanan," sinabi niya.
Sinabi din ni Ayatollah Khamenei, na ang layunin ng pag-aalsa ni Imam al-Hussain (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay labanan ang pang-aapi at kawalan ng katarungan. “Ang digmaang ito ay naganap sa iba't ibang anyo at di' makatarungang labanan. Ito ay isinagawa sa isang anyo sa panahon ng mga espada at sibat, at sa ibang anyo din sa panahon ng atomiya [teknolohiya], artificial intelligence, at iba pa. Ngunit ito ay nagpapatuloy hanggang sa panahon ng pagpapalaganap gamit ang tula, odes, hadith, at pasalitang A'hadith, ito ay isinagawa sa isang paraan. At [ngayon] sa panahon ng quantum [physics], internet, at iba pa, ito ay isinasagawa naman sa ibang paraan,” kanyang dagdag.
Itinuro din niya, na ang tungkuling ito ay nagpapakita ng iba sa panahon ng isang taon bilang isang mag-aaral sa unibersidad kumpara sa panahon, na ang isang tao ay umaako ng mas malaking responsibilidad. “Ang pakikipaglaban sa prenteng al-Hussaini laban sa prenteng Yazidi ay hindi palaging nangangahulugan ng paghawak ng armas; [sa halip,] Nangangahulugan ito sa wastong pag-iisip, pagsasalita ng maayos, pag-unawa sa mga bagay nang tumpak, at pagtama sa target nang may katumpakan," sinabi niya.
Binigyang-diin pa ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, na ang pagtahak sa landas na ito ay magbibigay ng kahulugan at layunin sa abwat buhay ng ating pamumuhay. “ Kaya dapat lamang nito pahalagahan ng mga kabataan ang kasalukuyang panahon, kung saan ang Islamikong Rebolusyon ng Iran ay nagbukas ng daan sa harap nila. Kailangan nilang kumilos kaagad nang may wastong pagpaplano, pag-aaral, at tamang pag-iisip, na nangangailangan ng pamilyar sa Qur'an at sa pagninilay-nilay dito, "sinabi niya.
Binigyang-diin din ni Imam Khamenei, na ang napapanahong pagkilos na ito ay maaaring minsan ay makahanap ng kahulugan sa loob ng kapaligiran ng unibersidad, sa ibang mga oras sa panlipunan o pampulitika na larangan, at sa ilang mga sandali sa landas ng Karbala at sa Palestine, gayundin ang pagtugis ng matataas na layunin sa larangan ng mas epektibo.
Siya ay nagtapos sa pamamagitan ng paggigiit, na ang paggamit ng mga kabataan sa makasaysayang pagkakataong ito ay magsasaad ng tagumpay at kaligtasan, habang ang pagkabigong samantalahin ang mga pagkakataong ito at gampanan ang kanilang mga responsibilidad ay kung saan hahantong ito sa kabiguan.
.............................
328