Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : Abna24.com
Sabado

7 Setyembre 2024

2:53:58 AM
1483311

Pinuno ng Yemeni Ansar'Allah | Ang mga krimen ng Israeli laban sa mga Palestino sa Gaza ay isang nananakit sa lahat kabilang ang mga hindi Muslim

Sinabi ng Pinuno ng Kilusang Ansarullah ng Yemen, na ang mga tao sa Gaza ay dumaranas ng pananalakay, barbarikang pag-atake, at malawakang pamamaslang ng rehimeng Israeli, na nakakasakit pa sa damdamin ng mga bansang hindi Muslim at gumising sa kanilang budhi.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi ng Pinuno ng Kilusang Ansarullah ng Yemen, na ang mga tao sa Gaza ay dumaranas ng matinding at di' makatarungang pananalakay, barbarikang pag-atake, at malawakang pamamaslang ng rehimeng Israeli, na nakakasakit pa sa damdamin ng mga bansang hindi Muslim at gumising sa kanilang budhi kaysa mga ibang Arabong bansa siyan sa malalapit na rehiyon.

Sinabi pa ni Seyyid Abdul-Malik Badreddine al-Houthi noong Huwebes,  na bilang karagdagan sa konsensya ng ibang tao, mayroong moral at relihiyosong responsibilidad para sa lahat ng mga Muslim na tumayo laban sa pagsalakay ng Zionista sa Gaza Strip at sa West Bank.

Pinuna pa niya ang ilang mga rehimen, na aniya ay nakipagtulungan pa sila sa mga Zionistang kaaway ng Israel at nagpakita pa ng katapatan dito, na inilalarawan ang kanilang paninindigan bilang kahiya-hiya sa kanilang pagkatao. 

Ayon sa opisyal ng Yemeni, binabalewala ng mga Arabong Estados ang mga krimen ng Israeli na pagpatay at pagpapagutom sa mga mamamayang Palestino sa Gaza, pag-insulto at pagsunog sa Banal na Quran at pagsira sa mga moske.

Nanawagan si Seyyid Abdulmalik Badr al-Din Al-Houthi sa mga bansang Muslim na bigyang kahalagahan ang pakikipaglaban sa mga kaaway ng banal na Islam kahit pa sa anumang paraan.

..................

328