Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Kasabay ng pagsisimula ng tigil-putukan sa Lebanon, ang mga lumikas na tao mula sa iba't ibang mga lugar, kabilang na ang mga tao sa timog, sa Bekaa at sa iba pang mga nayon sa Beirut, ay nagsimula na silang bumalik sa kanilang mga sari-sariling tahanan.
Ang kasunduan sa tigil-putukan sa pagitan ng Lebanon at ng rehimeng pananakop ng Zionista ay nagsimula ngayong araw, Miyerkules, mula sa 4:00 am, sa oras ng Beirut time (05:30 Tehran time).
Kasabay nito, ang vice-chairman ng political council ng Hezbollah ay nagbigay-diin sa pangangailangang isaalang-alang ang mga pagsasaalang-alang ng mga Islamikong Kilusan ng Hezbollah tungkol sa tigil-putukan, at sinabi niya, na ang ilan sa mga sugnay sa media ng Israeli tungkol sa kasunduang ito ay hindi tama.
Sinabi ni "Mahmoud Qamati": Hindi nagtitiwala ang Hezbollah sa mga pangako ni Netanyahu at hindi mahuhulog ito sa kanilang bitag.
Ayon sa ulat ng Arabic 21, sinabi rin ni Mahmoud Qomati: Ang dahilan ng aming mga pagdududa tungkol sa pagsunod ni Netanyahu sa kasunduan sa tigil-putukan ay dahil palagi kaming niloloko niya.
Ang mga Zionista: Ang mga hukbo ng Israel ay palagi na lamang nabibigo sa bawat digmaan nito laban sa Lebanon
Kasabay nito, ang mga Zionista media, ayon sa mga larawang isinahimpapawid ng pagbabalik ng mga Lebanese sa timog, ay itinuring itong ganap na tagumpay para sa mga Islamikong Kilusan ng Hezbollah at isinulat pa nito: Ang lahat ng mga larawang na-broadcast ng panig ng Lebanese pagkatapos ng tigil-putukan ay nagpapakita ng pagbabalik sa mga refugee mula sa kabilang panig patungo sa kanilang mga tahanan; Nangangahulugan pa ito ng ganap na tagumpay. Ngunit, bakit kaya hindi nailathala ang mga larawan ng mga mananakop para umuuwi sa kanilang mga tahanan sa norte?!
Ayon sa survey ng 12 TV channel ng rehimeng Zionista hinggil sa kasunduan sa Lebanon; may 69% ng mga Zionista ay naniniwala na ang mga Israel ay hindi nanalo sa digmaang ito laban sa Hezbollah.
Ayon sa mga ulat sa larangan ito, pagkatapos ng pagtanggap ni Netanyahu sa tigil-putukan, ang militar ng rehimeng Zionista ay umatras mula sa ilang katimugang lugar ng Lebanon, kabilang ang mga nayon ng Shama at Tayirharfa, at ang mga tao sa katimugang Lebanon ay bumalik na rin sa kanilang mga lungsod at tahanan.
Isang malaking tagumpay
Sinabi rin ni Abdolbari Atwan, isa siyang kilalang Arab analista at manager ng Rai Alyoum, sa isang pagsusuri: Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang tagumpay na ito ay nakamit ng mga bayaning mandirigmang Hezbollah; Mahigit sa 350 ma rockets ang tumama sa mga lungsod ng Israel, ito ay isang mahusay na tagumpay; Ang mga Israeli, dahil sila ay nalulunod at natalo, ay mabilis na kaagad silang sumang-ayon at tumanggap sa alok ng kasunduan.
................