Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nag-anunsyo ang Hukbong ng Lakas ng Yemen, na magsagawa na naman ng apat na bagong operasyon, na kuing saan nagta-target sa mga sasakyang-dagat na pag-aari ng mga rehimeng Israeli, ang Estados Unidos, at ang UK, na kinilala ng mga puwersa bilang "Trio ng Demonyo."
Inihayag ng tagapagsalita ng Pwersang Hukbong Lakas ng Yemeni, na si Brigadier General Yahya Saree, ang mga bagong apat na operasyon sa isang pahayag noong Lunes.
"Ang unang operasyon ay isinagawa gamit ang ilang cruise missiles, na kung saan nagta-target sa barkong Israeli, na nagngangalang "MSC Unific", sa Arabian Sea, na kung saan nakakamit ang tumpak at direktang mga pagtama," sinabi niya.
"Ang pangalawang operasyon naman ay isinagawa gamit ang ilang ballistic at cruise missiles, na kung saan target ang Amerikanong oil tanker, na may panagalanang "Delonix", sa Red Sea sa pangalawang pagkakataon ngayong linggo," sinabi ng tagapagsalita.
Ang ikatlong pag-atake ay tumama sa isang British landing ship,m na may panaglang "Anvil Point", sa Indian Ocean, sinabi ni Brig. Gen. Saree, na kung saan binanggit din niya, na ang barko ay na-target ng "ilang cruise missiles" na kung saan nagresulta din ito sa "tumpak at direktang mga tama nito."
Sa ika-apat na welga ng mga pwersa, nakita nilang tina-target nila ang isang sasakyang pang-dagat, na pinangalanang "Lucky Sailor", sa Dagat ng Mediteraneo, sinabi niya nang hindi tinukoy kung aling partido ang nauugnay ang nasabing barko.
Sinabi ng opisyal, na ang mga operasyon ay isinagawa bilang suporta sa mga Palestino laban sa Gaza Strip, na nagtitiis ng genocidal Israeli war.
Ang mga ito ay sinadya din bilang tugon sa mga pag-atake na ginagawa ng US at UK laban sa bansang Arabong Peninsula bilang paraan ng pagsisikap na ihinto ang mga operasyong maka-Palestino nito, sinabi ni Brig. Gen. Saree.
Nangako ang Sandatahang Lakas ng Yemeni, na kung saan ipagpatuloy nila ang kanilang mga operasyon hangga't ang rehimeng Israeli ay nagpapatuloy sa malupit na pagsalakay ng militar na hanggang ngayon ay kumitil sa buhay ng halos nasa 38,000 na ang bilang ng mga Palestinong nasawi, karamihan sa kanila ay mga kababaihan at mga bata.
Nangako rin sila, na ipagpapatuloy ang kanilang mga welga hangga't nananatili ang rehimen sa isang 2006 kasalukuyang pagkubkob na ipinapatupad nito laban sa Gaza, at kapansin-pansin din ng mahigpit sa panahon ng digmaan.
......................
328