Ginawa ni Ayatollah Khamenei ang mga pahayag sa isang pulong sa mga Miyembro ng bagong Parliamento ng Iran sa Tehran noong Linggo.
"Ang aking malakas na rekomendasyon ay ang constructive interaction ng parliamento sa bagong gobyerno. Ang tagumpay ng pangulo at ng bagong pamahalaan ay tagumpay nating lahat. Lahat ay dapat tumulong sa pangulo upang magampanan ang kanyang mga tungkulin sa bansa,” aniya.
Binanggit pa ng Islamikong Pinuno, na kung magtatagumpay ang pangulo sa kanyang pamamahala sa mga gawain ng bansa, pagpapabuti ng ekonomiya, pagsulong ng relasyong panlabas at sa mga isyung pangkultura, lahat tayo ay magtatagumpay. Ang kanyang tagumpay ay tagumpay para sa ating lahat.”
Nanawagan pa si Ayatollah Khamenei sa lehislatura at administrasyon ng Iran, gayundin sa mga opisyal, na magkaroon ng "pinagkakaisang boses" sa pagharap sa mahahalagang isyu upang "biguan" ang mga naghahangad para maghasik ng alitan sa kanila.
(Ang Balitang na ito ay patuloy ina-update hanggang sa kasalukuyan.)
......................
328