"Ang Israeli ay isang mang-aagaw at isang rehimeng mananakop sa rehiyon, at isang tunay na panganib sa buong rehiyon at sa mundo," snaabi ni Sheikh Naim Qassem, kaninang Martes sa kanyang ikatlong pahayag sa telebisyon mula nang naging martir ang Pinuno ng Islamikong Mandirigmang Hezbollah, na si Sayyed Hassan Nasrallah.
“Hindi nililimitahan ng rehimeng ito ang kanilang walng-hiyang pananakop nito sa Palestine; hinahangad nitong mas palawakin pa ang pag-kontrol nito, dahil ang Palestine lamang ay hindi sapat para sa mga ambisyon nito. Nilalayon din ng Israel para dominahin ang mga teritoryo ng iba pang mga bansang Arabo at Muslim na estado sa buong rehiyon at mundo."
Binigyang-diin pa ng opisyal ng Hezbollah, na ang kahalagahan ng mga mandirigmang paglaban sa harap ng mga masaker na ginagawa ng mga walanghiyang Israeli at ng mga bansang tagasuporta nito.
"Ang Israel at ang mga nasa likod nito ay nakipagdigma at nagsasagawa ng mga patayan, na wala kaming pagpipilian kundi ang manindigan lumaban at lalaban."
Inilantad din ng opisyal ng Hezbollah, na ang magkasanib para sa iskema ng US-Israeli sa Kanlurang Asya. "Ang Amerika, ang pinakamalaking demonyo ng buong daigdig, ay nais pa na magkakaroon ng isa pang bagong Gitnang Silangan. Si Netanyahu ay nagbabahagi ng parehong pangitain. Nangangahulugan ito para sadyang isinasagawa ng US at Israel ang genocide at sa pagpatay sa amingbmga lokal na sibilyan."
Sinabi pa ni Sheikh Qassem, na hindi matatalo ang Hezbollah sa matagal nang labanan nito sa rehimeng Israeli.
“Ang aming mga mandirigmang Paglaban ay hindi matatalo dahil ito ang nagmamay-ari ng lupain at dahil ang mga mandirigma nito ay mga martir na walang tinatanggap kundi isang buhay na may karangalan. Ang inyong hukbo ay natatalo na ngayon at mas matatalo pa sa mga susunod na labanan."
Sinabi ng opisyal ng Hezbollah, kung nais ng Tel Aviv para bumalik ang mga Zionistang mananakop sa kanilang mga tahanan sa mga teritoryo nilang sinasakop sa hilagang bahagi Israel, dapat nitong ihinto ang mga pag-atake nito laban sa Gaza at sa Lebanon.
"Sinasabi ko sa aming mga mandirigmang paglaban, na ang solusyon ay itigil putukan at pagkatapos ng tigil-putukan, ayon sa hindi direktang kasunduan, ang mga Zionistang mananakop ay maari silang babalik sa kanilang mga tahanan, sa hilaga."
Nagbabala dinang Pinuno ng Islamikong Hezbollah, na kung magpapatuloy ang pananalakay, lalago ang bilang ng mga inabandunang pamayanan, na kung saan mas maglalagay pa ito sa mga panganib ng daan-daang libo—posibleng higit sa dalawang milyon pa ang mga naninirahan.
Sa kanyang talumpati, tinukoy din ni Sheikh Qassem ang Operasyon Banang Al-Aqsa, noong Oktubre 7, 2023 sa mga Zionistang entidad, na nagsasabi ang mga Palestino, na pinamumunuan ng mga Hamas, ay "tinangka para paalisin ang mga mananakop."
Sinabi niya na ang mga Palestinong Islamikong Resistance ay nagpadala ng mensahe sa mundo. "75 taon na ang lumipas, at ang mga Zionista mananakop ay nandoon pa rin sa aming lupain, sila at kami pa ang kanilang pinapatay."
Sinabi ng opisyal ng Hezbollah, na ang mga Palestino ay may karapatang gumawa ng aksyon lara "yayanig laban sa mga okupasyon at pinigilan sa kanilang pagpapalawak laban sa mga digmaan nito."
Sa halip na tanungin kung bakit nangyari ang Baha ng Al-Aqsa, hinimok ng opisyal ng Islamikong Hezbollah Resistance, na ang internasyonal na komunidad na magtanong, "kung bakit nandoon pa rin ang mga Zionistang entidad?"
Sinabi ni Sheikh Qassem, na ang salungatan ng Hezbollah sa rehimeng Israeli ay hindi maaaring ihiwalay mula sa mga mandirigmang paglaban para sa pagpapalaya lamangb ng Estadong bansa , sa Palestine.
Ang Hezbollah ay lumipat mula sa isang sumusuportang papel tungo sa direktang "harapin" ang mga Israel pagkatapos ng Setyembre 17 pager attacks at Setyembre 27 assassination kay Seyyed Hassan Nasrallah.
"Ang aming digmaan sa Israel ay nagsimula sa mga pagsabog ng pager." Tinatayang 3,000 pager na dala ng mga miyembro ng Hezbollah ang nagbeep ng ilang beses bago sumabog nang sabay-sabay, na ikinasawi ng hindi bababa sa 12 katao at ikinasugat ng daan-daang iba pa sa buong Lebanon at iba pang bahagi ng Syria.
Sa pagtukoy sa ideolohiyang pagpapalawak ng Israel ng "Greater Israel," sinabi ni Sheikh Qassem, "Kasama ang Lebanon sa proyekto ng pagpapalawak ng Israel."
"Sinusuportahan namin ang mga Palestino para protektahan sila mula sa panganib at maiwasan ang pagpapalawak ng mga Israeling entidad."
Binigyang-diin din ng opisyal ng Islamikong Hezbollah Resistance ang pagsuporta ng Islamikong Republika ng Iran sa Palestine, na tinawag itong "isang pinagmumulan ng karangalan at karapatang soberanya."
"Ang pagsuporta sa bansang Palestine ay isang pinagmumulan ng karangalan para sa Iran, na walang pinipigilang pagsisikap para isulong at palakasin ang mga Palestino."
Sa pagpindot sa kamakailang pakikipagsapalaran ng Israeli malapit sa hangganan ng Lebanese, sinabi pa ni Sheikh Qassem, “Kami ay direktang sumasalungat sa rehimeng Zionista sa nakalipas na dalawang linggo. Ang aming mga magiting mandirigmang Hezbollah ay nakikipag-ugnayan sa mga sundalong Zionista sa iba't ibang lokasyon."
Pinuri ni Sheikh Qassem ang mga tagumpay ng mga mandirigmang Islamikong Hezbollah Resistance sa panahong ito, na tinawag ang mga tagumpay na na ito ay "lampas pa mula sa inyong hindi pa inaasahan."
"Ang aming mga kabataan ay handa na para magturo ng isang malaking aral sa hukbo ng mga Zionistang mga kaaway."
Tinukoy din ni Sheikh Qassem, ang hindi pa naganap na drone strike ng Hezbollah sa ilan pang mga kampo ng pagsasanay sa Israel para sa Golani Brigade sa Binyamina, sa timog ng sinakop na Haifa, na ikinamatay ng apat na sundalong Israeli at ikinasugat pa ng ilan pang mga sundalo nito.
"Noong Linggo, ang Israel ay umamin sa daan-daang mga pinsala, ngunit ang aktwal na mga bilang ay mas mataas pa."
Sa pagtatapos ng kanyang mga pahayag, ang opisyal ng Hezbollah ay nagbigay ng mahigpit na babala tungkol sa pagpapatuloy ng kampanya ng kamatayan at pagkawasak ng Israel. “Kung magpapatuloy ang digmaan, mas maraming pamayanan ang hindi na matitirahan. Kung pipiliin ng rehimeng Zionista para magpatuloy, ang digmaan na ito, ay magpapatuloy din kami."
Sa kanyang pinakahuling talumpati noong Oktubre 8, sinabi ni Sheikh Qassem na maayos ang chain of command ng mga Islamikong Mandirigma ng Hezbollah at matatag ang mga kakayahan nito pagdating sa mga militar na labanan.
......................
328