Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng AhlulBayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Pangulo ng Islamikong Republika ng Iran, na si Masoud Pezeshkian at ang kanyang katapat na Tsino, na si Pangulong Xi Jinping ay tinalakay ang ilang mga isyu kabilang na ang mga bilateral na relasyon at ang patuloy na digmaan sa Lebanon at Gaza, na kkung saan binibigyang-diin niya, na ang agarang tigil-putukan ay isang susi sa pagbabawas ng mga tensyon sa Kanlurang Asya at sa magkabilang-panig.
Nagkita din ang dalawang pangulo noong Miyerkules sa sideline ng 16th BRICS Summit, sa Kazan, Russia
Sinabi ni Pangulong Pezeshkian, na ang walang patid na suporta ng Estados Unidos at ilang Kanluraning estado para sa rehimeng Zionista ay nagbabanta sa kapayapaan sa Kanlurang Asya, idinagdag pa niya, na ang rehimen zionista ay tumawid sa lahat ng mga pulang linya, na nagpapatunay na hindi ito sumunod sa anumang makatao o legal na mga prinsipyo sa pamamagitan ng pagpatay sa mga sibilyan at sa mga inosenteng tao.
Sa pagtukoy sa mga pagpaslang ng Israel sa pinunong pampulitika ng Hamas, na si Ismail Haniyeh sa Tehran noong Hulyo, sinabi ni Pezeshkian, na ang Islamikong Republika, sa kabila ng paggamit ng lehitimong karapatan nito sa pagtatanggol sa sarili sa paglabag sa pambansang soberanya nito, ay binalewala ang karapatang iyon pabor sa kapayapaan sa rehiyon at isang tigil-putukan sa Gaza.
Gayunpaman, idinagdag niya, pinatindi ng rehimeng Israel ang mga krimen nito at mas lalo pa nitong pinalaganap ang digmaan sa Lebanon.
Binigyang-diin ng pangulo ng Iran, na naniniwala ang kanyang bansa na ang digmaan ay hindi nakikinabang sa sinuman, at samakatuwid, hindi ito naghahanap ng alinman an mga kaguluhan. Gayunpaman, idinagdag niya, kung sinuman ang magsasagawa ng akto ng pagsalakay laban sa Islamikong Republika, sila ay makakatanggap ng mabigat at mapagpasyang tugon mula sa amin.
Sa ibang bahagi ng kanyang mga pahayag, inilarawan din ng pangulo ng Iran ang Tsina bilang isang kaibigan ng Iran at ang pinakamahalagang kasosyo nito sa kalakalan, na nagsasabi na ang dalawang panig ay maaaring magsanib-kamay upang harapin ang totalitarianismo ng mga Kanluraning estado.
Si Xi, sa kanyang bahagi naman, ay nagpahayag ng kahandaan ang China para mas lalo pang palakasin ang ugnayan ng kanyang bansa sa Iran, at idiniin pa niya, na ang pangangailangan para sa pagpapahusay ng tiwala sa isa't isa.
"Ang matalik na relasyon sa Iran ay mahalaga para sa amin, at handa kaming ipagtanggol ang mga karaniwang interes ng parehong bansa," aniya.
Idinagdag ng pangulo ng Tsina, na maaari ring magtulungan ang dalawang bansa sa iba't ibang larangan kabilang ang mga usaping pang-ekonomiya, kultura at militar.
Sa ibang bahagi ng kanyang mga pahayag, sinabi ni Xi, na ang tumitinding tensyon sa rehiyon ng Kanlurang Asya ay lubhang nakababahala, at idinagdag pa niya, na ang susi sa pagbabawas ng mga tensyon na ito ay ang agarang pagtatatag ng isang tigil-putukan.
...............
328