4 Nobyembre 2024 - 07:23
Isang pinuno ng komunidad ng mga Muslim Ulama ng Lebanon ay nakikipag-usap sa ABNA at nagsabi: Ang Axis ng paglaban ay mananatili hanggang sa malaya ang Quds

Si "Sheikh Ghazi Yusuf Hanina": ang pakay ng Axis ng paglaban para itinatag ni Imam Khomeini, nawa'y sumakanya ang awa ng Diyos, at si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei, nawa'y protektahan siya ng Diyos, patuloy na manguna sa landas nito at itaas ang bandila nito at mananatili ito hanggang sa malaya ang Jerusalem al-Quds.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensiyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Isang pinuno ng mga Muslim na Ulama, sa Jamiat ng Lebanon ay isinasaalang-alang ang mga pinuno ng mag martir na paglaban sa mga nangungunang martir ng Islam at sinabi niya: Si Seyed Shaheed Hassan Nasrallah at si Seyed Shaheed Hashem Safiuddin at iba pang mga kapatid sa pamumuno ng mga mandirigmang paglaban ng Hezbollah sa loob ng higit 30 taon sila ay nagkusa at matiyaga sa paraan lamang ng Islam, sila ay kabilang sa mga dakilang martir ng Islam.

Idinagdag pa ni "Sheikh Ghazi Yusuf Hanina" na habang siya ay nakikipag-panayam sa Ahensyang Balita ng Ahl al-Bayt sumakaniya nawa ang kapayapaan), Balitang ABNA: Ang mga martir na ito ay pinatunayan nila ang kanilang nararanasan sa jihad at sa paglaban sa paraan ng pagtulong sa mga inaapi at pagtulong sa mga Palestino at sa pagtatanggol sa Lebanon at sa karangalan ng Lebanon at ang bansang Lebanese. Gumawa sila ng mga hakbang upang ipagtanggol ang integridad ng teritoryo ng kanilang sariling  bansang Lebanon at ipagtanggol ang langit at lupain ng Lebanon ang kanilang isinusumpa sa kanilang karangalanm bilang isang panindigang sa serbisyo.

Habang pinupuri niya ang dakilang posisyon ng mga martir ng paglaban, lalo na sina Martir Seyed Hassan Nasrallah at si Martir Seyyed Hashem Safiuddin, sinabi niya: Ang mga mujahidan na ito ay pumanaw na sa kanilang Panginoon, ay kung saan nagtala ng ksnilsng mga hindi malilimutang at nagbibigay-liwanag para sa mga pahina ng kasaysayan sa mga pahinang punong-puno ng dignidad at kadakilaan; At ito ang mga mahalagang mga pahina sa daan patungo sa pagpapalaya ng al-Quds, sa kalooban ng Diyos.

Si Sheikh Ghazi Yusuf Hanina ay nagpahayag ng kanyang damdamin tungkol sa pagiging martir ng mga pinuno ng mga mandirigmang paglaban at idinagdag pa niya: Ang mga martir na ito ay naabutan tayo sa daan patungo sa Makapangyarihang Diyos at tayo ay lalakad sa kanilang landas, sa kalooban ng Diyos. Habang tinutukoy nila at minarkahan nila ang tunay na daan para at landas sa atin.

Ang pinuno ng Lebanese Muslim Ulama Board, na naalala ang katapangan at sakripisyo ng martir na Kalihim Heneral ng Hezbollah, ay nagsabi: Si Seyed Shaheed Hassan Nasrallah, bilang Kalihim Heneral ng Hezbollah at ang Kalhim Heneral ng Axis ng Resistance, ay nanirahan sa atin para sa kalahati ng kanyang buhay, at pinatunayan ni Seyed Shaheed Hassan Nasrallah, nina Seyed Shaheed Hashim Safiuddin at iba pang mga mahal na kapatid na si Shaheed Sheikh Nabil Qawoq at iba pang martir sa paglaban, na ang Palestine ay hindi maaaring kalimutan o iwanan lamang ng mag-isa. Hindi natin mabibigo ang mamamayang Palestino para inaapi sa Gaza at sa loob ng sinasakop na Palestine.

Idinagdag ng kilalang Lebanese Sunni scholar na ito: Ang Axis ng paglaban na itinatag ni Imam Khomeini, nawa'y mapasa kanya ang awa ng Diyos, at si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei, nawa'y protektahan siya ng Diyos, ay patuloy na manguna sa landas na ito at itaas ang bandila nito, at ito ay mananatili hanggang sa pagpapalaya ng Jerusalem al-Quds. Ang pagpapalaya ng Palestine at ang pagbabalik ng bansang Palestino at ang pagbuo ng isang malayang estado kung saan mabubuhay ang mga Muslim, Kristiyano at di-Zionista na Hudyo ang iniwan na alaalang di makakalimutan ng mga malallayang tao kay Seyyed Shaheed Hassan Nasrallah at ipagpapatuloy natin ang landas na ito at ang kilusang ito, sa kalooban ng Diyos, hanggnag sa kalayaan ng Jerusalem al-Quds.

...................

328