Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nagbabala ang Egyptian Foreign Minister sa kanyang pagtanggap sa isang delegasyon mula sa American organization na "Churches for Peace in the Middle East" na ang patuloy na kabiguan para pigilan ang mga paglabag at probokasyon ng Israel ay maaaring humantong sa isang malawak na alon ng galit upang nagbabanta para magkaroon ng malubhang epekto para sa internasyonal na kapayapaan at seguridad sa Gitnang Silangan.
Binigyang-diin ni Abdel-Ati ang kumpletong pagtanggi ng Egypt laban sa agresyon ng Israel laban sa Gaza Strip at sa West Bank, ang mga agresibong patakaran ng Israel sa rehiyon, at ang paggamit nito ng brutal na puwersang militar nang walang kaunting pagsasaalang-alang sa internasyunal na makataong batas.
Itinuro ng Egyptian Foreign Minister, na ang mga agresibong gawain ng Israel laban sa rehiyon, "ang pag-target ng mag Israeli occupation ng mga pasilidad ng mga sibilyan sa Strip, at ang pagtrato nito sa Israel bilang isang estado na higit pa kaysa batas."
Ang mga kinatawan ng delegasyon ng Churches for Peace in the Middle East, na bumisita sa Cairo, na kung saan pinamumunuan ni Rev. Dr. May Ellis Cannon, executive director ng organisasyon, ay nagpahayag ng kanilang malalim na pagpapahalaga sa nakabubuting papel na ginampanan ng Egypt sa pagkamit ng tigil-putukan sa Gaza, at para sa pangunguna ng Egypt sa pagsuporta sa kapayapaan, seguridad, at katatagan sa Gitnang Silangan.
Ayon pa sa isang pahayag na inilabas ng Egyptian Foreign Ministry, pinagtibay ng delegasyon ng organisasyong Amerikano ang kumpletong pagtanggi nito sa mga paglabag ng mga Israeli laban sa mamamayang Palestino at ang kategoryang pagtanggi nito sa pag-alis ng mga Palestino sa kanilang mga sariling lupain.
Pinuri naman ng delegasyon ang plano ng mga Arabo para sa maagang pagbawi at muling pagtatayo sa Gaza at sa taos-pusong pagsisikap ng Egypt para lamang makamit ang kalmado, tuloy na itigil ang mga digmaan, at mapadali ang muling pagtatayo ng mga tirahan at tahanan ng mga mamamayang palestino sa Gaza Strip.
Noong Sabado, ang Egyptian Foreign Minister ay nakatanggap ng delegasyon mula sa Palestinong Fatah movement, na pinamumunuan ni Jibril Rajoub, Kalihim ng Central Committee ng kilusan, upang makipagpalitan ng "mga pananaw sa mapanganib na pag-unlad ng Israel at mga pag-unlad sa mga pagsisikap ng Egypt na naglalayong ibalik ang tigil-putukan sa Gaza Strip at ipagpatuloy ang daloy ng humanitarian aid sa lalong madaling panahon," ayon sa isang pahayag mula sa Egyptian Foreign Ministry.
Sinabi ni Abdel-Ati, "Ang mga ilusyon ng kapangyarihan ay hindi makatutulong sa Israel para makamit ang seguridad na inaakala nito. Sa halip, ang mga kalupitan na ginagawa nito ay magtanim lamang ng damdamin ng poot at paghihiganti laban dito sa rehiyon at maglalagay ng higit pang mga hadlang sa mapayapang magkakasamang buhay sa pagitan ng mga tao sa rehiyon, na magkakaroon ng malaking negatibong epekto sa kanyang seguridad, katatagan ng kapayapaan, at ang pagkakataong makamit ang kapayapaan sa rehiyon, lalo na sa Gaza Strip."
……………..
328
Your Comment