5 Hulyo 2025 - 11:39
Tasu’a: Araw ng Katapatan at Pagtatanggol sa Kasaysayan ng mga Shiah

Ang Tasu'a ay kilala bilang araw ng ika-siyam ng buwan ng Muharram at katapatan at paglaban, na inilaan kay Abbas Ibn Ali, ang kapatid sa ama ni Imam Hussein (as), bilang paggalang sa kanyang mga sakripisyo sa labanang ito sa Karbala.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyanag Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumaknila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :-  Tasu’a: Araw ng Katapatan at Pagtatanggol sa Kasaysayan ng Shia

Ang Tasu’a, ika-9 na araw ng Muharram, ay isang mahalagang araw para sa mga Shiah Muslim. Iniaalay ito kay Abul Fhadl al-Abbas ibn Ali (as), kalahating kapatid ni Imam Hussein, bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan at katapatan sa Labanan sa Karbala noong taong 61 AH (680 CE).

Mga Pangunahing Kaganapan:

- Dumating si Shemr sa Karbala dala ang liham ni Ubayd Allah ibn Ziyad na nag-uutos kay Umar ibn Sa’ad para pilitin si Imam Hussein na sumuko o ipasa ang pamumuno sa hukbo.

- Tumanggi si Umar ibn Sa’ad para ipasa ang pamumuno at naghanda sa digmaan.

- Humiling si Imam Hussein ng palugit upang manalangin at magbasa sila ng Qur’an.

- Inalok si Abbas ng ligtas na daan (safe conduct) ngunit matatag niyang tinanggihan ito upang manatiling tapat sa kanyang kapatid, na si Imam Hussein Ibn Ali (AS).

Mga Ritwal ng Pagdadalamhati:

- Sa Iran at iba pang bansang may Shiah majority, ginugunita ang Tasu’a sa pamamagitan ng prusisyon, pagpalo sa dibdib (Sineh-Zani), at pagtatanghal ng Tazieh (dulang panrelihiyon).

- Ang mga tao ay nagsusuot ng itim bilang tanda ng pagluluksa at iniiwasan ang kasayahan tulad ng kasal o kaarawan.

- Isinasara ang mga opisina, paaralan, sinehan, at museo sa mga araw ng Tasu’a at Ashura.

 Espiritwal na Diwa:

- Ang Tasu’a ay hindi lamang araw ng pagluluksa kundi paalala ng katapangan, katapatan, at paninindigan laban sa pang-aapi.

- Ang mga kasabihang tulad ng sinabi ng Banal na Propeta, si Mohammad (SAWW) “Si Hussein ay mula sa akin, at ako ay mula kay Hussein” ay nagpapakita ng malalim na ugnayan sa pagitan ng Banal na Propeta Muhammad at ng kanyang mahal na apo.

…………….

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha