11 Hunyo 2017 - 21:06
Inaasahang Maiwagayway sa Marawi ang Watawat ng Pilipinas sa Araw ng Kalayaan

Nais ng militar na maiwagayway ang watawat ng Pilipinas sa Marawi City sa Lunes kasabay ng Araw ng Kalayaan.

Nais ng militar na maiwagayway ang watawat ng Pilipinas sa Marawi City sa Lunes kasabay ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) -Sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr. na ito ang nais mangyari ni Gen. Eduardo Año bilang simbolo ng pagkakawagi laban sa Maute terror group na higit dalawang linggo nang nanggugulo sa lungsod.

“The Chief of Staff made an announcement na hoping that by Monday, we can freely wave our flags in every corner of Marawi,” pahayag ni Padilla.

Aniya matatapos ang lahat kapag naaresto na ang miyembro ng armadong grupo o kapag napatay silang lahat.

Mayo 23 nang magsimula ang kaguluhan sa lungsod kasunod ng napurnadang pag-aresto sana ng mga awtoridad kay Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Nalaman namang planado pala ang pag-atake ng Maute group sa lungsod base sa nakuhang video ng mga militar.

Dahil sa kaguluhan ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Mindanao sa martial law.

Samantala, hindi naman masabi ni Padilla kung tatanggalin ang martial law sa Mindanao kapag natapos na ang kaguluhan sa Marawi City.

Aniya kailangang tingnan ang kalagayan ng buong Mindanao at hindi lamang ng lungsod ng Marawi.