T. Matapos ipinadala ng mga Iranian hajj perigrino sa Saudi Arabia pagkatapos ng mahabang pagkaantala nito, upang makipag-ugnayan sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia, naganap ang ilang negosasyon sa pagitan ng mga opisyal ng dalawang bansa. Si Yumaong Ayatollah Taskhiri ay isang miyembro ng delegasyon ng Iran na ipinadala sa Saudi Arabia upang makipag-ayos sa mga opisyal ng Saudi Arabia, sa panahong iyon.
Taun-taon ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran ay naglalabas ng mga mahalagang mensahe sa dakilang kongregasyon ng hajj sa panahon ng hajj, na naglalaman ng mahahalagang punto para sa mga Muslim sa buong mundo. Sa inyong palagay, ano ang pilosopiya sa likod ng mga mensaheng ito?
Mayroong ilang mga punto na dapat kong banggitin bago sagutin ang tanong na ito. Una sa lahat, ang hajj“ ay isang obligasyong Islamiko” ay nagsusumikap ng mga dakilang layunin. Batay sa Banal na Quran, marahil ang pinakamalaking layunin ng hajj ay ang koneksyon sa pagitan ng Islamikong Ummah at ang mga aktibidad ng mga Dakilang Propeta (AS) sa buong kasaysayan ng Islam. Ibig sabihin, ayon sa Sura al-Baqara, nagsimula ito sa paglikha kina Adan at Eba nang ang mga Anghel (AS) ay nagpatirapa sa kanilang harapan, ang kanilang mga karanasan sa Paraiso, ang kanilang pagpapatapon sa lupain Mundong ito at sa wakas ay ang kanilang paggamit ng kanilang mga karanasan sa langit ng Paraiso, kabilang ang paggawa ng mga kasalanan, pagsisisi at kumpletong pagpapasakop sa mga banal na utos. Upang ilarawan ang bawat yugtong ito, ginamit ng Banal na Qur’an ang parirala at kung kailan nagsasalaysay ng kuwento ng lahat ng mga Propeta(SAWW) hanggang kay Propeta Ibrahim (AS), nang sabihin ng Diyos, “At nang sinubukan ng kanyang Panginoon si Ibrahim sa ilang mga salita, tinupad niya ang mga ito. Siya ay nagsabi: Tunay na gagawin kitang Imam ng mga tao. Sinabi ni Ibrahim: At gayundin sa aking mga supling? Ang Aking tipan ay hindi kasama ang mga hindi makatarungan, sabi Niya.” [Ang Banal na Quran, 2: 124]. Ito ay tumutukoy sa pamumuno ng mga matuwid na tagapaglingkod ng Diyos. Ang Aking tipan, ay hindi kasama ang mga hindi makatarungan, sinabi dito ay binanggit ang usapin ng hajj: At nang ginawa Namin ang Bahay na isang lugar na puntahan, sa paglalakbay para sa mga tao at isang (lugar ng) katiwasayan, at: Magtalaga para sa inyong mga sarili ng isang lugar ng pagdarasal sa nakatayo- lugar ni Ibrahim. Iniharap ng Diyos ang isyu ng hajj sa gitna ng kuwento tungkol sa landas ng Kanyang mga mahal Niyang Propeta (SAWW) at lumilitaw na si Propeta Ibrahim (AS) ay itinuturing na siyang nagtatakda ng landas at mga layunin ng Hajj. At ang isa sa mga dakilang layunin ng Hajj ay upang ikonekta ang Islamikong Ummah sa landas ng mga Propeta at ang landas ng mga noong mga naunang Propeta (saww) ay ang parehong landas na itinakda ng Diyos para sa sangkatauhan: ang landas ng kadalisayan, pagpapasakop sa Diyos, pag-iwas sa mga kasalanan at pagtatayo ng isang matapat na lipunan.
Binanggit din ang pangalawang layunin: ibalik ang tao sa kanilang kalikasan at sa likas na landas ng pagsuko sa Diyos. At ang layuning ito ay makikita sa lahat ng mga ritwal ng Hajj. Samakatuwid, ang Hajj ay naglalaman ng mga dakilang layunin at isa sa mga layuning ito ay ang pagtalikod sa mga polytheista [bara'a] at si Propeta Ibrahim (AS) ay ang pinakamahalagang pagpapakita ng pagtalikod sa mga polytheista. Ang isa pang layunin ay ang pagkakaisa ng Islamikong Ummah, sa panahon ng Hajj, ang lahat ng mga peregrino ay nagsusuot ng parehong damit. Gumagawa sila ng tawaf na may parehong intensyon habang sila ay umaawit ng parehong mga kanta at slogan. Nakikibahagi sila sa parehong uri ng pagsamba. Magkasama sila sa isang maliit na lugar. Pinapalitan pa nila ang mga damit na ikinaiba nila sa isa't isa at nagsusuot sila ng magkatulad na damit. Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at ng Islamikong Ummah. Ang mga layuning ito ay naisasakatuparan sa panahon ng Hajj. Ang pagpapakita ng mga layuning ito ay binanggit sa bawat isa sa mga mensaheng inilabas ni Imam Khomeini (ra) at ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Islam, si Ayatollah Imam Khamenei.
Ang muling pagbuhay sa Hajj ay nangangahulugan ng pagbuhay sa Islamikong Ummah at ito ang pilosopiya sa likod ng pagkakaroon ng mga mensaheng ito at ang paggigiit sa Islamikong Republika ng Iraning Pinuno sa isyung ito. Ang pagpapatupad ng mga mensahe ng Hajj ay magpapasimula ng kilusan ng Islamikong Ummah. Ayon sa mga salaysay ng Islam, ang Hajj ay isang bandila ng Islam. Ano ang ibig sabihin ng watawat ng Islam? Hangga't ang bandila ng isang hukbo ay patuloy na gumaga-wayway sa panahon ng labanan, nangangahulugan ito, na ang hukbo ay hindi pa natalo at ang labanan ay dapat pang magpatuloy. Samakatuwid, ang muling pagbuhay sa Hajj ay isa sa mga dakilang layunin na hinahabol ng Islamikong Republika upang maisakatuparan ang Islamikong Awakening. Sa mga mensaheng inilabas ni Yjmaong Imam Khomeini (ra) at ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, ang mga puntong ito ay madalas na niyang ibinibigyang-diin. Sa madaling salita, ang mga ito ay isang uri ng manifesto na isang komprehensibong pahayag na naglalarawan sa landas ng Islamikong Ummah.
Oo, sa kasamaang palad ay nabigo tayong maunawaan ang kahalagahan ng mga mensahe ng Hajj. Nabigo kaming ipaunawa sa iba ang kahalagahan ng mga mensaheng ito. Nabigo rin tayong maihatid ang mga mensaheng ito sa mga taong malayo sa atin. Ang aming mass media, ang aming mga peregrino at iba pa ay gumagawa ng mga pagsisikap sa bagay na ito, ngunit ang mga pagsisikap na ito ay hindi sapat na isinasaalang-alang ang kahalagahan ng mga mensaheng ito. Upang maabot ang layuning ito, lahat ng media outlet, sa lahat ng mg cultural advisors, lahat ng mga pasilidad sa relasyon sa publiko at sa lahat ng mga media network outlets, na mayroon tayo ay dapat subukang ihatid ang mga mensaheng ito sa iba't ibang bahagi sulok ng mundo. Kailangan nating gumawa ng higit na mga pagsisikap sa bagay na ito.
T. Ang mga pinuno ba ng ibang bansa ay naglalabas din sila ng mga ganitong mensahe ng Hajj?Hindi ganito. Tanging ang Hari ng Saudi Arabia ang nag-isyu ng mensahe para sa mga layunin ng relasyon sa publiko. Karaniwang ang pagbibigay ng mga mensahe ng Hajj ay isang inobasyonblamang ni Dating Yumaong Imam Khomeini (ra).
T. Ang mga mensaheng ito ba ay isinasapubliko sa Araw ng Bara'a. Ganito na ba ang nangyari simula pa noong una?Hindi, sa una, ang mga mensaheng ito ay hindi isinapubliko sa Araw ng Bara'a. Si Yumaong Imam Khomeini (ra) lamang ang dati at unang nagtakda ng oras. Ngunit pagkatapos ng mga salungatan na naganap para naging dahilan kung bakit hindi nagHajj pilgrimage ang mga Iranian sa loob ng ilang taon“ may ilang mga kasunduan ang ginawa. Ako ay isang miyembro ng delegasyon na ipinadala sa Saudi Arabia para sa negosasyon. Napagkasunduan ng dalawang panig, na ang mga Iranian perigrino ay hindi dapat magsama-sama sa Mecca at magagawa lamang nila ito sa araw ng Arafah upang makinig sa mensahe ng kanilang mga Pinuno.
T. Sumang-ayon ka rin ba para bigkasin ang Dua'a Kumayl sa Medina sa parehong negosasyon?Hindi, ang kasunduan sa pagbigkas ng Dua'a Kumayl sa Medina ay naabot sa ibang mga negosasyon. Ang kasunduang ito ay isang hiwalay na isyu, na naayos pagkatapos ng maraming salungatan at batayan.
T. Inaangkin namin na ang mga mensahe ng Hajj ay ipinarating sa mga bansang Muslim. Anong mga epekto ang nagawa ng mga mensaheng ito sa ngayon?Maraming mga peregrino mula sa iba't ibang bansa ang nakikibahagi sa mga seremonya ng Hajj. Ang mga mensaheng ito ay ipinamimigay sa panahon ng Hajj. Ang mga ito ay isinalin sa humigit-kumulang sampung wika at ipinamimigay ito sa Mina at sa iba pang mga lugar sa panahon ng Hajj. Ang mga mensaheng ito ay ipinamamahagi sa lahat ng mga peregrino ng Hajj bilang mensahe ng Islamikong Rebolusyon. Ang mga mensaheng ito ay nai-broadcast din sa iba't ibang mga wika sa ilan sa ating mga media at ito ay nagkaroon ng magandang epekto sa puso ng mga Muslim bagaman ang buong sistema ng pandaigdigang pagmamataas gayundin ang mga Arab at Islamikong pamahalaan ngbibang bansa ay nagsisikap din para pigilan ang mga mensaheng ito. Ang isa sa mga mensaheng ito ay minsang nai-publish sa isang pahayagan sa England: ang buong network ng pandaigdigang Zionismo ay nagprotesta laban sa pahayagang iyon at lumikha sila ng mga ibang problema laban dito.
T. Kailan ito nangyari?Hindi ko matandaan ang eksaktong petsa, ngunit ito ay noong 70s. Sinisikap ng mga Zionista para pigilan ang paglalathala sa mga nabanggit na mga mensahe. At hindi lamang ang gobyerno ng Saudi Arabia ay tumatangging tumulong sa bagay na ito, ngunit kung minsan ay sinusubukan nitong pigilan ang mga mensaheng ito para mailathala. Gumagawa pa ito ng maraming pag-aresto kung minsan. Siyempre sa nakalipas na ilang mga taon, kakaunti ang mga kaso ng naturang pag-aresto, ngunit sinusubukan nilang pigilan ang mga mensaheng ito sa Saudi Arabia. Minsan sinusubukan din naming i-publish ang mga mensaheng ito sa mga dayuhang pahayagan at binabayaran namin ng pera, ngunit hindi nila ito inilalathala. Marami ding mga pahayagan ang hindi pinapayagan ito o sila ay ipinagbabawalan na i-publish ang mga mensaheng ito, sa loob ng kani-kabilang mga komunidad.
T. Sa mga bansang Europeo?Sa Europeano at maging sa mga bansang Islamiko. Mariin nilang tinatanggihan para i-publish ang mga mensaheng ito. Pero gaya nga ng sinabi ko, naging pabaya na rin kami sa kalaunan.
T. Ano ang katangian ng mga mensaheng ito? Sila ba ay tulad ng mga mensaheng pampulitika na inilalabas sa mga tao ng mga estadista?Hindi, sila ang mensahe ng isang pinuno sa kanilang Ummah: ang mensahe ng isang espirituwal na pinuno ng kanilang Ummah at isang Marja Taqlid, na siyang namamahala din sa pamumuno sa Islamikong Rebolusyon“ sa buong Islamikong Ummah. Sa panahon ng Hajj ang mga peregrino ay mga kinatawan ng buong Islamikong Ummah. At ang kongregasyong nabuo, sa katunayan ay ang kongregasyon ng mga kinatawan ng Islamikong Ummah. Ibig sabihin, ito ay ang kongregasyon ng buong Islamikong Ummah, na may layuning mapalapit sa Diyos. Ang mga peregrino ay sinanay ng mga slogan, kanta at magkatulad na ritwal na ito. At ang pagsasanay ay hindi limitado sa pag-aaral ng mga slogan lamang: tumatanggap din sila ng mga praktikal na pagsasanay. Dapat pigilan ng mga perigrino ng Hajj ang kanilang mga paningin. Dapat nilang pigilan ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa. Dapat nilang pigilan ang kanilang bibig at dila. Ang mga bagay na dapat iwasan bilang haram sa panahon ng Ihram ay isang uri din ito ng pagsasanay para sa mga peregrino sa panahon ng Hajj.
At ang mga mensahe na inilabas ng Pinuno ay naaayon dito. Kinuha ko ang mga tema ng mga mensaheng inilabas ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, sa nakalipas na ilang taon at maibabahagi ko ito sa iyo ang resulta kung gusto mo,
sige po..
Kung pag-aaralan mo, ang mga mensahe ng Pinuno ng Islamikong Republika ng Iran, makikita mo, na ang unang punto na itinaas sa mga mensaheng ito ay ang papel at modelo ng Hajj sa pagbubuo ng Islamikong Ummah. Ito ang layunin ng mga mensahe ng Hajj ng Pinuno Islamikong Republika. Halimbawa, ang isang punto na itinaas sa mga mensaheng ito ay ang papel ng Hajj sa pag-aalis ng mga mahihinang punto ng Islamikong Ummah. Itinuro ng Pinuno sa mga mensaheng ito, na mayroon tayong ilang mga kahinaan sa loob ng Islamikong Ummah at may ilang iba pang mga mahihinang punto ay ipinataw sa atin mula sa labas. Ang mga mensahe ng Hajj ay tinutulay ang mga puwang na ito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kabanalan at paglilinis sa sarili at sa pamamagitan ng babala laban sa kawalan ng pagbabantay.
Ang susunod na punto tungkol sa papel ng Hajj, ay ang mga mensaheng ito ay nagbibigay-diin sa katotohanan na ang Hajj ay ang bandila ng Islam. Sa isa sa kanyang mga mensahe, itinuro ng Pinuno, na ang Hajj ay isang pagpapakita ng kilusan ng Islamikong Ummah at ito ay tumutukoy sa papel ng politikal na nilalaman ng Islam.
Ang isang haligi ng Hajj ay Tawaf sa paligid ng Bahay ng Diyos (Bayt'Allah). Ibig sabihin, ang buong Ummah ay dapat umiikot at sumunod sa patnubay ng Allah na Kataas-taasan. Ang pagbato sa Jamarat ay isa pang haligi ng Hajj, isang seremonya kung saan ang mga miyembro ng Islamikong Ummah ay nagbabato sa mga simbolo ng itinuro [pamahalaan na hindi sinang-ayunan ng Diyos] at espirituwal na pag-aalsa [laban sa Diyos].
Ang isa pang tema na binanggit ng Pinuno, sa kanyang mga mensahe sa Hajj ay ang pagpapakilos ng buong Islamikong Ummah upang manindigan laban sa mga hamon na kinakaharap ng Islam. Sa kabuuan, ang unang pivot na binanggit sa mga mensaheng ito ay ang papel ng Hajj sa kursong sibilisasyon ng Islamikong Ummah.
Ang pangalawang isyu ay ang papel ng Hajj sa moral na edukasyon ng mga indibidwal at lipunan. Ito ay isang tema na naroroon sa lahat ng mga mensahe ng Hajj. Ang isyu ng paglilinis sa sarili at pagpapahalaga sa pagkakataong ito sa mga banal na lugar, na may kaugnayan sa Hajj, ay tiyak na binanggit sa isang lugar sa mga mensahe.
Ang pagpapakita ng kadakilaan ng Islam at ang mga mensahe nito ay ang ikatlong tema na binanggit sa mga mensaheng ito. Itinatampok nila ang kadakilaan ng mga solusyon sa Islam sa mga problema ng sangkatauhan.
Ang pag-highlight sa isyu ng pagkakaisa ng Muslim ay isa pang tema na naka-highlight din sa mga mensaheng ito. Sa mga mensahe ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, ang Islamikong Awakening ay itinuturing na kung saan pinakamahalagang paraan upang maisakatuparan ang pagkakaisa ng mga Muslim sa mundong ito. Ang Islamikong Awakening ay ang pinakamagandang phenomenon na nabanggit sa mga mensaheng ito. Sinubukan ng mga mensaheng ito na palalimin at palaganapin ang Islamikong Awakening. Ang ilang mga pagpapakita ng pagkakaisa na ito ay binanggit din sa mga mensaheng ito: halimbawa, ang mga peregrino ay nagsusuot ng magkatulad na damit, sumusunod sa parehong landas, umaawit ng parehong mga slogan, umaayon sa parehong mga posisyon, gumawa ng Tawaf sa paligid ng parehong sentro at iba pang mga bagay. Sa mensahe noong nakaraang taon, itinuro din naman ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, na ang Ka'bah (Bayt'Allah al-Haram) ay kumakatawan sa monoteismo at ito ang simbolo ng paglipat tungo sa pagkakaisa ng mga Muslim sa buong mundo.
Ang mga mensaheng ito ay nagpapaliwanag din sa mga dakilang pasilidad ng Islamikong Ummah " ang mga materyal at espirituwal na pasilidad nito at ang mga kakayahan nito sa heograpiya at kultura. Ang mga mensaheng ito ay nagpapaalala sa Islamikong Ummah ng mga dakilang pasilidad nito, na sa kasamaang-palad ay ninanakawan tayo ng ating sariling mga kaaway.
Ang pagsisiwalat ng mga pakana ng mga mapagmataas na kapangyarihan ay isa pang tema sa mga mensaheng ito. Sa lahat ng mga mensaheng ito, binanggit ng Pinuno, ang masasamang pakana ng mga mapagmataas na kapangyarihan upang lipulin ang Ummah ng Islam. At ipinaliwanag din ang sanhi ng mga krimeng ito. Ang mga mensahe ay nagpapaliwanag sa mga krimen na ginagawa pati na rin ang pinakamahalagang isyu at pag-unlad sa mga teritoryo ng Islam, mula sa pagbaluktot ng mga katotohanan ng Islam hanggang sa navdjlot ito ng mga awayan, mga ethnocentric Fitna, pagkalat ng katiwalian, maraming pagpatay at propaganda laban sa mga Islamikong Ummah. Ang lahat ng mga banta na ito, na tumaas pagkatapos ng 9/11 ay binanggit ng Pinuno sa kanyang mga mensahe. Dahil ang mga pakana ng mga kaaway dito ay para sakupin ang mundo ng Islam sapagkat nabigo ito ng Islamikong Rebolusyon at Paggising ng Islam, sinimulan nilang hatiin ang mga Ummah ng Islam at ipalaganap nila ang katiwalian. Samakatuwid, sa kanyang mga mensahe, ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran ay nagsabi, na ang mga mapagmataas na kapangyarihan ay isang kaaway ng mga inaaping tao at karapatang pantao, isang tagasuporta ng terorismo at isang tagapagtaguyod ng hegemonya at pagkukunwari laban sa mga mundo ng Islam.
Siyempre, isa pang mahalagang tema ang pagsisiwalat ng papel ng mga mersenaryong rehimen sa rehiyon. Sinisikap ng mga rehimeng ito para tuparin ang mga layunin ng kolonyalismo at alisin ang kakanyahan ng Hajj: ang mga bagay na ito ay nabanggit din sa mga mensahe.
Ipinakilala dito ng Islamikong Republika bilang isang matagumpay na modelo para nanindigan laban sa mga mapagmataas na kapangyarihan, nagpatupad ng Islam sa lahat ng aspeto ng buhay, nagpasimuno ng pagkakaisa ng mga Muslim, nagsulong ng pagkakaisa sa pagitan ng pamunuan at ng mga tao at kumakatawan sa relihiyosong demokrasya at suporta para sa mga inaapi“ ay isa pang tema sa mga mensaheng ito. Karaniwan, ang lahat ng mga mensahe na inilabas ng Pinuno, ay nagbabanggit ng isa o higit pa sa mga temang ito.
Ang lahat ay nagsasalita tungkol sa kung gaano nakapagpapasigla, epektibo at nagbibigay-liwanag ang mga mensaheng ito. Sa tuwing naglalakbay kami sa ibang mga bansa at nakikibahagi sa iba't ibang mga kumperensya, binabanggit ng lahat ang mga puntong ito at pinupuri ang mga mensaheng ito. Naglalakbay dim kami sa humigit-kumulang 50 bansa bawat taon at nakikipag-usap kami sa iba't ibang mga indibidwal, grupo at lider ng mga Muslim, partikular na sa mga lider sa pulitika at sa mga aktibista ng iba't ibang bansang Islam. Ibig sabihin, sa kabila ng ating mga kahinaan sa paggawa ng mga mensaheng ito sa publiko, nagkaroon sila ng nakapagpapalakas na epekto saanman ito nai-publish.
T. Sa kasalukuyan, ang pampublikong diplomasya ay tinatalakay sa mundo. Ibig sabihin, tinutugunan ng mga pinuno ng mga bansa ang mga tao sa halip na mga pamahalaan. Maaari ba nating isipin ang mga mensahe ng Hajj na ito bilang isa sa mga haligi ng pampublikong diplomasya ng Islamikong Republika at bilang isang paraan upang i-export ang Islamikong Rebolusyon?Walang alinlangan sa bagay na ito. Ang isa sa mga magagandang paraan ng pag-export ng mensahe ng Rebolusyon ay sa pamamagitan ng mga mensahe na inilabas ni Yumaong Imam Khomeini (ra) at ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran. Ang pagbibigay ng mga mensaheng ito ay isang paraan ng pagpapasigla sa kongregasyon ng Hajj, pagtugon sa mga pagsisikap para alisin ang kakanyahan ng Hajj at pagbibigay-diin sa papel ng Hajj sa buhay ng mga bawat Muslim. At naniniwala ako, na ang mga mensaheng ito ay nagkaroon ng kanilang mga epekto bagaman tulad ng sinabi ko, na hindi kami gumawa ng sapat na pagsisikap upang gawin itong magagamit sa lahat.
Q. Anumang huling komento?Nais kong tulungan ng Diyos ang mga Muslim sa ibat-ibang sulok ng mundo para tulungan sila maunawaan ang mga pagdiriwang ng Islam at ang mga mensahe [na kinapapalooban nila]. Ang mga problema ay maraming mga peregrino sa Hajj ang naglalakbay ng mula pa sa kani-kanilang malayo at nahihirapan, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi pa rin nila nauunawaan ang tunay na mensahe ng Hajj hanggang sa kasalukuyan.
Ayon sa mga salaysay ng Islam, Ang liwanag ng Hajj ay hindi lumalabo sa mga peregrino maliban kung sila ay nagkakasala. Ibig sabihin, bumabalik ang mga Hajj perigrino na may liwanag ng Hajj at ang liwanag na ito ay nagpapakita ng sarili sa kanilang pagkatao at sa kanilang mga gawain sa lipunan hanggang sa gumawa sila ng kasalanan, na unti-unting sumisira sa liwanag na iyon. Umaasa ako na ang mga peregrino ng Hajj ay magsisikap para matanggap ang tunay na liwanag ng Hajj at mapanatili ang mensahe ng Hajj upang magkaroon ng epekto ang Hajj sa pagtuturo sa Islamikong Ummah sa buong mundo.
.......................
328