Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sinabi ng Palestinong Ministri ng Kalusugan sa Gaza noong Sabado, na ang mga sundalong Israeli mananakop ay nakagawa ng tatlong magkakaibang masaker sa iba't ibang lugar sa Gaza Strip, sa nakalipas na 24 na oras, na kkung saan pumatay ng hindi bababa sa 40 ang bilang ng mga sibilyan at ikinasugat ng mahigit 224 na iba pa.
Sa isang pahayag, sinabi ng health ministry, na ang bilang ng patuloy na madugong pagsalakay ng Israeli, na nagsimula noong Oktubre 7, 2023, ay tumalon na sa 37,834 martir habang nasa 86,858 na rin ang bilang ng mga nasugatan.
"Ang isang bilang ng mga biktima ay nasa ilalim pa rin ng mga durog na bato at sa mga kalsada habang ang mga ambulansya at mga tauhan ng pagtatanggol sa sibil ay pinigilan ng mga puwersa ng pananakop ng Israel (IOF) mula sa paglapit sa kanila," idinagdag ng ministeryo.
Mula noong Oktubre 7 noong nakaraang taon, ang IOF ay naglulunsad ng isang mapangwasak na digmaan laban sa Gaza Strip, na nagresulta sa higit sa 120,000 ma martir, nasugatan at nawawala, nasa 70% sa kanila ay mga bata at mga kababaihan, bilang karagdagan sa paglilipat ng dalawang milyong katao at ang napakalaking pagkawasak sa mga tahanan at imprastraktura na nakaapekto sa mahigit na 60% ang mga gusali, sa gitna ng mahigpit na pagkubkob, isang nakalulungkot na krisis sa humanitarian, at sa isang hindi pa naganap na taggutom sa pamumuhay ng sinumang malayang-tao sa mundo na ito.
..................
326