Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang mabilis na pagtingin sa pagsugpo sa mga pro-Palestino na mga aprotesta sa mga unibersidad ng US, ay kung saan ang pinakabagong mga ebidensiya na kumukuwestiyon sa mga modelong Amerikano ng karapatang pantao.
Kasalukuyang minarkahan ng mga Iranian ang Linggong ito, upang Repasuhin at Ilantad ang mga Karapatang Pantao ng Amerika sa kasaysyan ng Human Rights.
Upang ilantad ang tunay na mukha ng tinaguriang tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa trabaho, ang pagtingin sa mga pro-Palestino na mga protesta ay sapat na bilang ebidensya.
Ang pagsuporta sa karapatang pantao ay palagiang naging pangunahing motto at paninindigan ng Estados Unidos ng Amerika.
Gayunpaman, hinuhubog ng mga opisyal ng US ang kanilang paninindigan sa karapatang pantao ayon sa kanilang mga pampulitikang agenda at hilig nito.
Ang pamamaraang ito ay nagbigay-daan sa US para gamitin ang mga Karapatang Pantao bilang isang kasangkapan sa pandaigdigang arena.
Sa hindi bababa sa 80 mga kampus sa kolehiyo at unibersidad sa buong Estados Unidos lamang, ang mga mag-aaral ay bumuo kamakailan ng mga kampo na humihiling para ibunyag ang kanilang mga unibersidad at ang kanilang mga pamumuhunan sa sinakop na Palestino at umalis mula sa mga entidad ng Zionista, pinansyal at kultural, na kung saan labag ito sa mga sumusuporta sa pananakop ng Palestine.
Nagtipon ang mga demonstrador sa hindi bababa sa 40 mga kampus ng unibersidad sa US mula noong Abril 17, madalas na nagtatayo ng mga kampong tolda ang estudyanteng demonstrador upang magprotesta laban sa tumataas na bilang ng mga namamatay na mga Palestinong lokal na mamamayang sa Gaza Strip.
Ang mga protesta ng unibersidad sa US laban sa digmaan sa Gaza, na nagsimula noong nakaraang buwan sa Ubnibersidad ng Columbia at sa kalaunan ay pinalawak sa iba pang mga kampus sa buong bansa, ay kung saan umani na ito sa mga headline sa buong mundo.
Daan-daang hanggat sa umabot ng milyun-milyong mga estudyante at mga propesor ang sinuspinde dahil sa paglahok sa mga protestang ito sa iba't ibang unibersidad sa loon ng Estados Unidos lamang.
Halos nasa 2,000 katao na rin ang mga pinigil, ayon sa US media, sa mga demonstrasyon na nagpapaalala sa mga protesta laban sa Vietnam War.
Ang nagsimula sa Columbia campus ay naging isang nationwide showdown na rin sa pagitan ng mga mag-aaral at sa mga administrador sa mga pro-Palestine na protesta at ang mga paghihigpit sa malayang pananalita.
Di-nagtagal, daan-daang at milyun-milyong na ang mga estudyante ang inaresto, isinuspinde, inilagay sa probasyon, at, sa mga bihirang kaso, pinatalsik ang ilang mga Professors, Faculties at iba pang mga Opisyal sa mga Uniobersidad na kampus mula sa mga kolehiyo, kabilang na ang Yale University, University of Southern California, Vanderbilt University, at University of Minnesota, iniulat ng Al Jazeera.
Ang reaksyon naman ng mga awtoridad ng Amerika sa mga protesta sa loob ng lupain ng bansang ito ay nagpapakitang hindi man lang nirerespeto ng US ang mga karapatan ng sarili nitong mga mamamayan.
Sa labas ng US, paulit-ulit na ginagamit ng bansang ito ang kapangyarihang na mag-veto para isulong ang mga sariling layuning pampulitika nito, na kung saan tahasang malinaw lumalabag sa Karapatang Pantao ng ibang mga bansa.
Halimbawa, ginamit ng Estados Unidos ang kapangyarihang pag-veto nito nang hindi bababa sa 34 na beses upang harangan ang mga resolusyon ng UN Security Council na kung saan porket nakikita ng US magiging kritikal sa Israel.
Ang tugon ng US sa mga resolusyon ng UNSC sa gitna ng labanang ito ay naaayon sa makasaysayang paggamit nito ng kapangyarihang pag-veto nito upang harangan ang anumang mga resolusyon na maaaring maging kritikal sa Israel o tumawag para sa Palestinong statehood.
Mula noong 1945, may kabuuang na 36 ang draft na resolusyon ng UNSC, na may kaugnayan sa Israel-Palestine ang na-veto ng isa sa limang permanenteng miyembro – ang US, Russia, China, United Kingdom, at France. Sa mga ito, umabot na rin ng 34 ang na-veto ng US.
Iniulat ni Tohid Mahmoudpour
....................
328