Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Idinaos sa Doha, sa Qatar ang ikatlong round ng Afghanistan summit na nilahukan ng mga kinatawan ng mga bansa at pamahalaan ng Taliban. Tinalakay ng mga kinatawan mula sa 25 na mga bansa at 5 internasyonal na organisasyon sa likod ng mga saradong pinto ang mga kalagayang pang-ekonomiya at paglaban sa droga sa Afghanistan.
Hindi tulad ng mga naunang pagpupulong, sa pulong noong Lunes, pinangunahan ni Zabihullah Mujahid ng Taliban ang isang delegasyon na may 6 na miyembro. Mula sa Iran, si Hassan Kazemi Qomi, ang espesyal na sugo sa Afghanistan, ay sumali sa pulong. Bago ang kanyang pagbisita sa Doha, ang Iranian diplomat sa isang post sa X ay nagsabi: "Ang aming layunin ay linawin lamang ang mga posisyon, ihatid ang mga alalahanin ng Tehran tungkol sa Afghanistan, at ipaliwanag ang mga patakarang makatao ng Islamikong Republiika ng Iran tungkol sa mga [Afghan] na mamamayan sa bansa at sa mga opisyal ng United Nations at ng mga bansang kalahok sa nasabing pulong."
Ang UN at ang mga kinatawan ng mga bansa ay magkakaroon din ng hiwalay na pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng civil society ng Afghanistan sa Martes. Sinabi ni Mujahid noong Lunes sa isang press conference, na ang internal affairs ng Afghanistan ay itataas sa Doha conference. Idinagdag pa niya, na ang kumperensya ay nagbibigay ng liwanag sa mga usaping pang-ekonomiya, mga paghihigpit sa pagbabangko sa Kabul, at ang mga tagumpay ng pamamahala ng Taliban.
Ang Ahenysang Alwaght ay nagsagawa ng isang panayam kay Ismail Bagheri, isang Iranian na dalubhasa sa Afghanistan affairs para sa elaborasyon sa ikatlong Doha meeting sa Afghanistan.
Sa pagtukoy sa talaan ng pagdaraos ng mga pagpupulong sa Doha, sinabi ni G. Bagheri, na ang mga pagpupulong na ito sa Afghanistan ay itinayo noong 2020, na kasunduan sa pagitan ng Taliban at US. Isa sa mga tuntunin ng kasunduang ito ay ang pakikipag-ugnayan ng US sa grupo, na hindi tinutukoy sa kasunduan. Matapos pinirmahan ang kasunduan, nagkaroon din ng kooperasyon ang dalawa na may kaugnayan sa isang kumpidensyal na apendiks sa nasabing kasunduan. Sa ngayon, may dalawang pulong na ang ginanap, at sa kanilang dalawa, ang UN ay kumilos bilang political arm ng US, na ang pinakamahalagang layunin dito ay hikayatin ang Taliban na makipagtulungan sila sa UN sa mga bagay tulad ng pagbuo ng isang inclusive government, kapayapaan, at edukasyon ng mga kababaihan sa bansa.
Inilarawan din ni G. Bagheri, ang pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa Taliban bilang pinakamahalagang pokus ng pulong na ito. Sa ikatlong pagpupulong, sinabi niya, ang mga pagsisikap ay ginawa upang madagdagan ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Taliban, Estados Unidos at sa United Nations. Ang pagharang sa mga ari-arian ng Afghanistan ay para din sa layunin ng pagtukoy ng representasyon ng Afghanistan, na, siyempre, ay napagpasyahan sa nakaraang (pangalawang) round. Ang mga kinatawan ng United Nations at Estados Unidos ay nagawang hikayatin ang Taliban para lumahok sa round na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng flexibility at pagtanggap sa kanilang mga paunang kondisyon, tulad ng hindi paglahok ng mga anti-Taliban, na kababaihan sa pulong na ito at hindi pagtataas ng isyu ng espesyal na kinatawan ng contact na grupo. Isa sa mga layunin ng Estados Unidos sa pulong na ito ay kumbinsihin ang Taliban na tanggapin ang espesyal na kinatawan, ngunit nabigo ito. Ang pangalawa ay upang bigyang-diin ang papel ng United Nations na ginagampanan ng Amerika sa Afghanistan. Sinisikap ng mga Amerikano na gamitin ang kapasidad ng United Nations upang bigyang-katwiran ang kanilang mga aksyon sa isyu ng Afghanistan.
Idinagdag pa ng dalubhasa, na ang isa pang dahilan para sa pagbibigay-diin sa mga pulong sa Doha ay pangunahin ng Kanluran, upang kumuha ng isang karibal na planong panrehiyon kung saan dito dahil hawak ng Iran ang inisyatiba. Kahit na ang Russia at China ay nakikipagtulungan din sa Iran sa planong ito. Ang punto ng planong pangrehiyon ay ang pagbuo ng isang panrehiyong grupo ng pakikipag-ugnayan, na ang unang pagpupulong ay ginanap sa Kabul. Ang ikalawang pulong ay ginanap sa Tehran noong nakaraang buwan.
Idinagdag pa ni G. Bagheri na ang pagkilala at pagiging lehitimo ang pangunahing kahilingan ng Taliban sa pulong na ito. Idinagdag pa niya, na ang US ay naglalayon na ipatupad ang agenda nito sa Afghanistan para kinabibilangan ng hanay ng mga layunin sa seguridad at pampulitika. Nais ng Taliban na makilala at makipag-ugnayan sa mga bansa sa mundo. Nakilala ni Mujahid ang mga kinatawan ng China, Russia, at iba pang mga bansa, kabilang na ang Germany at kahit papaano ay nagtrabaho din naman sila para sa pagkakaroon ng pagiging lehitimo nitong bansa. Kaya, hindi pa rin umaatras ang grupo sa mga hinihingi at hinihiling nito.
Binigyang-diin din ni G. Bagheri ang kapangyarihang pampulitika ng Taliban, at idinagdag pa na dapat nating isaalang-alang ang katotohanan, na ang Taliban ay inalis o isinasantabi ang iba pang mga paksyon sa pulitika at naging isang pangunahing aktor sa Afghanistan. Salungat lamang sa palagay ng publiko na nakikita ang Taliban bilang panatiko at radikal, malakas silang lumaki bilang mga pulitiko, sa isang lawak na parehong gustong makipag-ugnayan sa kanila ng Silangan at Kanluran. Nagawa nilang i-polarize at samantalahin ang mga sistema sa bansa.
Mapapansin natin din ang pinakamahalagang tanda ng kalayaan ng Taliban, na kumilos sa kanilang pakikitungo sa Pakistan, na sa loob ng maraming taon ay ninong ng grupo ngunit sa mga araw na ito ay nagkakasalungat sila sa mga bagay tulad ng mga hangganan, yamang tubig, at sa mga migrante, sinabi ni G. Bagheri.
Sa kanyang pagsasara ng mga komento, itinuro ni G. Bagheri, ang mga Western double standards tungkol sa Afghanistan. Sinabi niya, na ang mga ari-arian ng Afghanistan ay umabot sa $10.5 bilyon, kung saan humigit-kumulang nasa $3.5 bilyon ang hinarang. Taun-taon, ang komunidad ng daigdig ay nagtataas ng halaga ng $4 hanggang 5 bilyon para sa pamahalaang Taliban, ngunit ginamit ng Kanluran ang mga tulong na ito upang humukay ng isang impluwensya sa pamahalaan ng Taliban at dagdagan ang impormasyon nito tungkol dito.
.........................
328