Ahensyang Balita ng AhlulBayt

pinagmulan : ABNA24.com
Huwebes

4 Hulyo 2024

7:27:38 AM
1469516

Sinabi ng Iraqi Ministeryong Panloo, na ang mga hakbang ay ginagawa upang mapahusay ang seguridad bilang paghahanda para sa mga ritwal ng pagluluksa sa buwan ng Muharram at sa Arbaeen, sa buwan ng Safar.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :-  Sinabi ng Iraqi Ministeryong Panloob, na ang mga hakbang ay ginagawa upang mapahusay ang seguridad bilang paghahanda sa mga ritwal ng pagluluksa sa panahon ng Muharram at Arbaeen.

Sinabi ni Abdul Amir al-Shammari noong Martes, na ang lahat ng mga kaugnay na katawan at institusyon ay nakikipagtulungan upang ihanda ang mga kinakailangang kondisyon para sa organisasyon ng mga seremonya ng pagluluksa, lalo na ang taunang martsa ng Arbaeen, sa buwan ng Safar.

Sinabi pa niya, na ang mga kinakailangang hakbang sa seguridad ay pinagtibay sa pakikipag-ugnayan sa mga militaryang seguridad, Intelligents at sa mga opisyal ng seguridad at sa mga bagong teknolohiya ay ginagamit sa iba't ibang lugar upang mapadali ang proseso ng Arbaeen pilgrimage at sa Muharram na mga ritwal.

Ang buwan ng Muharram, na magsisimula sa Hulyo 17 ngayong taon, ito ay ang unang buwan sa kalendaryong lunar ng Hijri 1445.

Ang mga Shiah Muslim sa buong bansa, at iba pa sa iba't ibang bahagi ng mundo, ay nagdaraos ng mga seremonya bawat taon sa buwan ng Muharram upang magluksa sa anibersaryo ng pagkamartir ni Imam Hussein Ibn Ali (AS) at ng kanyang mga kasama.

Ang ikatlong Shiah Imam (AS) at isang maliit na grupo ng kanyang mga tagasunod at miyembro ng pamilya ay ipinaslang ng malupit sa kanyang panahon - si Yazid Bin Muawiya (LA), sa labanan sa Karbala noong ikasampung araw ng Muharram (kilala bilang Ashurah) noong taong 680 AD | 61 AH.

Ang seremonya ng pagluluksa sa Arbaeen prosesyon ay siya na ang pinakamalaking pagtitipon ng relihiyon sa mundo sa modernong kasaysayan ng Islam.

Ito ay minarkahan ang ika-40 [Arbaeen] pagkatapos ng Ashurah. Ang Arbaeen ngayong taon ay inaasahang babagsak sa Agosto 25, depende na ito sa darating na moonsighting, sa buwan ng Safar.

Bawat taon, isang pinaka-malaking pulutong ng mga Shiahs ang dumadagsa sa paslangang lupain ng Karbala, kung saan matatagpuan dito ang Banal na Dambana ni Imam Hussein Ibn Ali (AS) at mahal na Apo ng Banal na Propeta Mohammad (SAWW), upang magsagawa ng mga ritwal ng pagluluksa, bilang luksang-pagmamahal sa mahal na Apo at ang kanyang mga mahal na pamilya at mga kasamahan ipinaslang sa Karbala at ibinihag ng mga sundalong walang-awa at di' makatuwirang pagturing sa kanila, sa kasaysayan ng Islam pagkatapos ng Banal na Propeta Mohammad (SAWW).

Ang mga peregrino, pangunahin mula sa Iraq at Iran, ay naglalakbay ng mahabang ruta mula sa paglalakad sa banal na lungsod ng Najaf hanggang Karbala Moalah, sa Iraq.

........................

328