Ahensyang Balita ng AhlulBayt

Bawat taon, ang pag-ibig at pagmamahal kay Aba Abdillah al-Hussein (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nababago sa walang hanggang epiko ng pag-ibig, ito ang dakilang epiko ng pagbisita sa katapusan ng Arbaeen.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nasaksihan ang mga milyun-milyong bisita mula sa mga ibat-ibang bansa, relihiyon man at tribong pagkatao, lahi, kulay, matanda man o bata, lalaki man at babae, dumating sila sa Karbala ang pagdagsa ng milyun-milyong bisita nito ay mula sa Iraq at sa ibang bansa mula pa noong simula ng buwan ng Muharram hanggang sa katapusan ng buwan ng Safar.

Bawat taon, ang pag-ibig para kay Aba Abdillah al-Hussein (alayhis Salaam) ay nababago sa walang hanggang epiko ng pag-ibig at pagmamahal, ang dakilang epikong ito, na siyang pagbisita sa Arbaeen, na sumasaksi sa rurok ng kabaliwan kay Imam al-Hussein (sumakanya nawa ang kapayapaan) at kinakatawan ng mga manliligaw kay Imam al-Hussein (sumakanya nawa ang kapayapaan), na kung saan nagpinta ng pinakadakilang mga larawan ng pag-ibig para kay Imam al-Hussein (sumakanya nawa ang kapayapaan), sa Banal na lugar ng Karbala.

Ang pilosopiya ng pag-ibig kay Aba Abdillah al-Husseini (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang nakapagpapanatili ng kaligtasan nito sa loob ng maraming siglo sa mga henerasyon, at ang pagmamahal na ito ay hindi limitado sa mga loyalista lamang, ngunit pati pa naging isang pag-ibig na umaabot mula sa mga loyalista hanggang sa mga Ahl al-Bayt ng Propeta Mohammad (saww) hanggang sa ating relihiyong Islam. Gaykng araw, upang saklawin ang lahat ng sangkatauhan, para lamang ang bandila ni Imam al-Hussein (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay maging isang bandila kung saan ang lahat ng mga tribo, sekta at relihiyon ay nagtitipon dito sa mga araw na ito hanggang maubos ang Arbaeen at buwan ng Safar.

Ang Arbaeen pilgrimage ni Imam al-Hussein (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay isa sa pinakamahalagang okasyong panrelihiyon, at milyun-milyong mga Muslim ang gustong gunitain ito sa pamamagitan ng paglalakad mula sa banal na lungsod ng Najaf hanggang sa Karbala, at libu-libong prusisyon at kinatawan ang nagkalat sa mga mga lansangan at kalsada upang naghahanda ng mga libreng serbisyong at pagkain at ganoon ding mga masilungan at pansamantalang tirahan at pahingaan para sa mga milyun-milyong mga bisita ni Aba Abdillah al-Hussein (sumakanya nawa ang kapayapaan), ang mga bisita at bigyan sila ng mga sapat at sobra-sobrang mga libreng serbisyong pagkain at inumin.

.................

328