6 Hulyo 2024 - 07:15
Nagdadalamhati ang mga Hamas sa kanilang pitong mga Palestinong kasamahan ang na-martir sa Jenin

Nagluluksa ang mga Kilusang Hamas sa isang pahayag na inilabas kahapon, noong Biyernes sa mga "matuwid na martir" na nasawi sa isang pagsalakay ng mga Israel, sa Jenin, sa West Bank.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Nagluksa ang mga Kilusang Hamas sa isang pahayag na inilabas kahapon, noong Biyernes, sa mga "matuwid na martir" na kung saan nasawi ito sa isang pagsalakay ng mga Israel sa Jenin, sa West Bank.

"Ang patuloy na mga krimen ng pananakop sa Gaza, sa Jenin at sa Tulkarem ay hindi magtatagumpay sa pagsira sa kalooban ng aming mga mamamayang Palestino," sinabi ng Hamas.

Nanawagan din ang Hamas sa internasyunal na komunidad at sa United Nations "na manindigan sa kanilang mga responsibilidad at gumawa ng malinaw na mga desisyon upang ihinto ang patuloy na mga krimen ng Iraeli laban sa mga Palestinong lokal na mamamayan".

Maaga sa Biyernes; na ang Israeling sundalo mananakop ay kung saan napaslang ang pito nitong mga Palestinong mandirigmang kasamahan sa isang drone attack, sa Syudada ng Jenin.

Kinumpirma ng mga Palestinong Ministrong Kalusugan ang pagiging martir nina Assad Ahmed Hashah, 19, Ahmad al-Amouri, 20, Qusaid Hazur, 23, Fuad Ashkar, 25, Yasin Aridi, 30, at Mohamed Jabbarin, 54, at si Hammam Hashash, 23, sa isang drong na pag-atake ng Israel.

Nilusob naman ng mga espesyal na pwersa ng Israel ang nasabing lungsod at pinalibutan ang isang lokal na bahay na pagmamay-ari ni Ahmed Marwan Juma al-Ghoul, sa "Harsh al-Saada," sa kanluran ng lungsod.

Nang maglaon, binomba ng mga puwersa ng Israel ang kinubkob na bahay gamit ang ilang Energa shell sa gitna ng matinding sunog at nanawagan ito gamit ang loudspeaker para sa isang binata na isuko ang sarili. Naka-deploy din ang mga sniper sa mga rooftop.

Pinigilan ng mga puwersa ng Israel ang mga tauhan ng ambulansya para makarating sa target na bahay, sa gitna ng pagkawala ng kuryente sa ilang mga lugar sa nasabing lungsod at sa kampo nito.

Sa kabilang banda naman, sinabi ng Palestinong Red Crescent Society, na may dalawa pang Palestino, isa sa mga ito ay may edad na ng 18 taong gulang, ay malubhang nasugatan malapit sa Ibn Sina Hospital, matapos pagbabarilin ng mga Israeli gunfire.

................................

328