Mula sa kapanganakan at hanggang sa paglaki nito at ng kanyang talambuhay:
nagsasaad, na ang pinuno ng jihadistang kumander ay ipinanganak sa bayan ng Bednayel sa Bekaa, noong Disyembre 24, 1962, at siya ay isa sa mga nagtatag na henerasyon ng gawaing Islam sa Beirut.
Kanyang mga karanasan sa militar:
Sinabi ng media ng militar, na ang komandante ng martir ay isa sa mga kumandante ng mga operasyong bayani sa panahon ng paghaharap at sagupaan sa pagsalakay ng mga Israel sa Beirut, noong unang bahagi ng dekada otsenta, ang kanyang pangunahing papel sa pagbuo ng mga kakayahan ng mga tao sa mga pormasyon ng mga mandirigmang paglaban, at inaako niya ang responsibilidad para sa mga tauhan ng mga mandirigmang Paglaban sa Islam, Noong kalagitnaan ng dekada nobenta, inako rin niya ang responsibilidad para sa Jabal Amel Operations Unit mula nang 1997 hanggang pagkatapos ng pagpapalaya, at direkta rin niyang pinamunuan ang marami pang mga tiyak na operasyon sa panahong iyon.
Idinagdag pa nito, na si pinunong kumander Shaheed Hajj Ibrahim Muhammad Aqeel, ay isang nagtatag ng operations section ng Islamikong Resistance, simula noong 2008 ay hinawakan na niya ang posisyon ng Assistant Kalihim Heneral, na si Seyyid Hassan Nasrallah, nawa'y protektahan siya ng Diyos, para sa mga gawain sa operasyon at hinirang na siyang bilang miyembro ng Jihadi Council opisyal. Isa rin siya sa mga pinuno ng kabayanihang sumasagupa sa paghaharap sa pananalakay ng mga Israel laban sa Lebanon noong taong 2006.
Ibinunyag ng midya militar na, ang pinunong kumander na si Shaheed Hajj Aqeel ay isa sin siya ang “nangasiwa sa pagtatatag, pag-unlad, at pamumuno ng mga Radwan Forces, sa Islamikong Resistance hanggang sa oras at panahon ng kanyang pagkamartir,” at isa din siya sa mga pangunahing pinuno ng jihadi na nagplano at namamahala ng mga operasyon laban sa mga grupong Takfiri sa silangang hangganan ng Lebanon, sa Qusayr, sa Qalamoun, at sa iba pang mga rehiyon sa Syria noong panahon ng mga ISIL Takfiri, sa Syria.
Itinuro ng mga media ng militar, na si pinunong kumander, Shaheed Hajj Ibrahim Muhammad Aqeel, ay nagplano at nangangasiwa sa pamumuno ng mga operasyong militar ng Radwan Force sa Lebanese Support Front mula nang magsimula ang labanan sa "Al-Aqsa Flood", noong Oktubre 7.
Ang mga Mandirigmang Paglaban ng Islam sa Lebanon - Pinaslang ng mga Israeli airstrike ang isa sa mga pangalawang Pinunong Kumander ng Hezbollah Opisyal ang dakilang pinunong Jihadistang Kumander na si Ibrahim Aqeel (Hajj Abdul Qader), "sa isang pagka-martir sa landas patungo sa Jerusalem al-Quds," kasunod ng di' makatuwirang pagsalakay ng mga duwag na Israeling entidad, na kung saan tumagus ang ilang bomba sanloob ng dalawa pang palapag na gusali mula sa isang F-35 na jetfighter ng mga Zionistang entidad, sa isang residensyal na building, sa Katimugang Nayon ng Beirut, noong Biyernes, kahapon, ika-20 ng Setyembre, sa taong 2024.
..............
328