Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, Si Kataas-taasang Pinuno Ayatollah Sayyed Ali Khamenei, ay nakita niya ang pagtaas ng kapangyarihang panlaban ay humahadlang sa pag-atake ng mga kaaway, kaya't ang sandatahang lakas, lalo na ang hukbong-dagat, ay dapat tumuon sa pagtaas ng kanilang kahandaan at lakas sa pakikipaglaban sa lahat ng mga aktibidad at pagpaplano.
Sa okasyon ng Pambansang Araw ng Iranian Military Navy (Nobyembre 25), at ang anibersaryo ng kabayanihan ng epiko ng Iranian frigate, na "Pekan" sa harap ng hukbong Baathist ni Saddam, ang Pinuno ng Isalmikong Rebolusyon ng Iran, Grand Ayatollah Ali Khamenei, na natanggap kahapon, Miyerkules, isang grupo ng mga kumander at opisyal ng hukbong pandagat ng Iranian army.
Sa panahon ng pagpupulong, inilarawan ng Pinuno ng Rebolusyong Islamiko ang mga pwersang ito bilang mahalaga at mapagpasyang pwersa sa mundo ngayon at pinuri ang mga aktibidad ng iba't ibang operational, intelligence, support, construction at innovation team sa Iranian mga Army Navy.
Naniniwala ang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, na ang pagtaas ng mga kapangyarihang panlaban ay pumipigil sa mga pag-atake ng mga kaaway, kaya't ang sandatahang lakas, lalo na ang hukbong-dagat, ay dapat tumuon sa pagtaas ng kanilang kahandaan at kapangyarihang lumaban sa lahat ng kani-kanilang mga aktibidad at pagpaplano.
Sa kontekstong ito, nagpatuloy ang Kanyang Kamahalan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na ang pinakamahalagang misyon ng mga Sandatahang Lakas ng bansang Iran ay pigilan ang mga pag-atake ng mga kaaway, kaya dapat lamang ninyong, sa isang paraan o sa iba pa, i-highlight ang gawain at kapangyarihang mga mandirigmang panlaban ng bansa sa paninigin ng mga anti-Iranian, sa mga tagamasid, at ipaunawa sa kanila ang tunay na kahulugan na ang anumang paghaharap ay magdudulot sa kanila ng malaking halaga.
Isinasaalang-alang din ng Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, na ang pagpapatuloy ng mga misyon ng hukbong-dagat ay kinakailangan at mahalaga, para nagpapaliwanag na, tulad ng sinabi noon, ang misyon ng 86th Fleet at ang mga detalye nito ay maaaring ipaalam sa opinyon ng mga publiko gamit ang wika at mga kasangkapang masining at teknikal.
Sa simula ng pulong na ito, ang Commander ng Naval Forces ng Army ng Islamikong Republika ng Iran, si Admiral Shahram Irani, ay nagpakita ng isang ulat sa mga plano at aktibidad ng mga pwersang ito sa iba't ibang larangan ng sektor.
...........
328